November 23, 2024

Home SHOWBIZ

'Nakakatawa lang:' Anak ni Nathalie Hart, crush si Sixto Dantes

'Nakakatawa lang:' Anak ni Nathalie Hart, crush si Sixto Dantes
Photo Courtesy: Nathalie Hart, Dingdong Dantes (IG)

Ibinuking ng aktres na si Nathalie Hart kung sino ang crush ng kaniyang 6 na taong gulang na anak na si Penelope.

Sa ulat ng GMA Integrated News nitong Huwebes, Oktubre 24, ikinuwento raw ni Nathalie ang tungkol dito sa isang panayam.

Aniya, “Nakakatawa noong nag-Family Feud ako, kilala niya si Dingdong Dantes kasi nakikita niya ang anak ni Dingdong. Sabi ko, 'I will bring you to my taping.' 'Why, mommy?' 'You know your mom works in TV.' 'Oh, really?'”

‘“Yon lang, parang after that, sunud-sunod na, 'You know, you're mom is an actress.' 'Yeah, mom, I know. I saw you in that thing,'” wika niya. 

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Dagdag pa ng aktres: “Nakakatawa lang, ang arte-arte. She was really interested only because crush niya ‘yong anak ni Dingdong Dantes.”

Ang tinutukoy ni Nathalie na anak ni Dingdong sa misis nitong si Marian Rivera ay si Sixto na ngayon ay limang taong gulang na.

Sa parehong panayam, binanggit din umano ni Nathalie na ang anak niya raw ang kinukunan niya ng lakas noong mga panahong may pinagdadaanan siya sa buhay.

Matatandaang kamakailan lang ay isiniwalat ng aktres na hiwalay na raw siya sa mister niyang Australian na si Brad Robert.

MAKI-BALITA: Nathalie Hart, hiwalay na sa afam na mister: 'Hindi nag-work out!'