February 05, 2025

Home SHOWBIZ Events

Concert ni Arthur Nery, tuloy pa rin kahit may bagyo

Concert ni Arthur Nery, tuloy pa rin kahit may bagyo
Photo Courtesy: Arthur Nery (FB)

Hindi napigilan ng bagyong Kristine ang concert ni Viva artist Arthur Nery na nakatakdang ganapin sa Smart Araneta Coliseum ngayong Biyernes, Oktubre 25.

Sa Facebook post ng Viva Live, Inc. nitong Huwebes, Oktubre 24, sinabi nila na itutuloy daw ang nasabing concert tulad ng napagplanuhan.

“We want to reassure you that the concert will proceed as planned,” saad ng Viva Live, Inc.

Gayunman, nakisimpatya pa rin sila sa mga naapektuhan ng bagyong Kristine. 

Events

Catriona 'naiyak' sa kanta ni TJ; sigaw ng netizens online, 'Shot puno!'

Samantala, hinimok naman ng Viva ang mga dadalo na pumunta nang mas maaga sa venue ng concert.

Anila, “We kindly encourage everyone to arrive early, as there may be traffic due to the weather and we want to ensure a smooth and stress-free experience for all.”

“Please stay safe, take care, and we look forward to sharing a great evening with you,” dugtong pa nila.

Sa huli, inabisuhan ng Viva ang mga nagtatanong tungkol sa refund na mag-abang sa ilalabas nilang anunsiyo kaugnay dito sa mga susunod na araw.