Nakiisa ang nation’s girl group na BINI sa isasagawang donation drive para sa mga naapektuhan ng bagyong Kristine sa kapuluan.
Sa panayam ng ABS-CBN News nitong Huwebes, Oktubre 24, sinabi ng leader ng grupo na si Jhoanna Robles na may plano na raw talaga silang mag-organisa ng donation drive sa darating na Pasko.
“We were planning naman po talaga na magkaroon ng donation drive for Christmas,” panimula ni Jhoanna.
“Pero ngayon nga na hindi natin inaasahan na nagkaroon ng bagyo po and mas kailangan nila 'yong tulong namin ngayon, so nagtulong-tulong po ‘yong Bloom Philippines,” dugtong pa niya.
Kasama rin ng Bloom Philippines sa proyektong ito ang ABS-CBN Sagip Kapamilya at ang mga brand na ineendorso ng grupo.