December 23, 2024

Home SHOWBIZ

Barbie Imperial, nalungkot sa pinsalang dulot ng bagyong Kristine

Barbie Imperial, nalungkot sa pinsalang dulot ng bagyong Kristine
Photo Courtesy: Barbie Imperial (FB)

Tila nadurog ang puso ni Kapamilya actress Barbie Imperial sa sinapit ng mga kapuwa niya Bicolano dahil sa bagyong Kristine.

Sa Facebook post ni Barbie nitong Huwebes, Oktubre 24, inihayag niya ang naramdaman sa pinsalang idinulot ng nasabing bagyo.

“Nakakalungkot isipin ang pinsalang dulot ng #BagyongKristine. Maraming pamilya ang nawalan ng tahanan at kailangan nila ang ating tulong. Sama-sama tayong bumangon,” saad ni Barbie.

Dagdag pa niya: “Mahal kong Bicol, andito po ako para sa inyo.”

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Kaya naman, naglunsad ng isang donation drive ang aktres. Sa mga gustong magpadala ng pera sa GCash, ito ang numerong ibinigay niya: 09682904492 SHAYNE R. I. Puwede ring ipadala sa pamamagitan ng bank transfer sa Union Bank: Barbie Imperial.

Samantala, ang mga donasyong namang tulad ng mga pagkain, gamot, at damit ay maaaring dalhin sa mga sumusunod na lugar: Tipsy Pig Quezon City, Tipsy Pig Pasig, Tipsy Pig BGC, at Tipsy Pig Alabang.