Nakataas pa rin sa Signal No. 3 ang apat na lugar sa Luzon dahil sa bagyong Kristine na nasa coastal waters na ng Southern Ilocos Sur, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dakong 2:00 ng hapon nitong Huwebes, Oktubre 24.
Sa update ng PAGASA, huling namataan ang Severe Tropical Storm Kristine sa coastal waters ng Santa Cruz, Ilocos Sur.
Taglay pa rin ng Severe Tropical Storm Kristine ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 145 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo pa-west southwest sa bilis na 15 kilometers per hour.
Dahil dito, itinaas na ang Tropical Cyclone Wind Signal sa mga sumusunod na lugar:
SIGNAL NO. 3:
Luzon:
Benguet
Ilocos Sur
La Union
Pangasinan
SIGNAL NO. 2
Luzon:
Metro Manila
Batanes
Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands
Isabela
Quirino
Nueva Vizcaya
Apayao
Kalinga
Abra
Ifugao
Mountain Province
Aurora
Nueva Ecija
Tarlac
Zambales
Bataan
Pampanga
Bulacan
Rizal
Cavite
Western portion ng Batangas (Nasugbu, Lian)
Northern portion ng Quezon (General Nakar, Infanta) kabilang na ang Polillo Islands at Lubang Islands
SIGNAL NO. 1
Luzon:
Laguna
Mga natitirang bahagi ng Batangas
Mga natitirang bahagi ng Quezon
Mga natitirang bahagi ng Occidental Mindoro
Oriental Mindoro
Marinduque
Romblon
Northern portion ng mainland Palawan (El Nido, Taytay, Araceli, San Vicente, Dumaran, Roxas) kabilang na ang Calamian Islands, Cuyo, at Kalayaan Islands
Camarines Norte
Camarines Sur
Catanduanes
Albay
Sorsogon
Masbate kabilang na ang Ticao at Burias Islands
Visayas:
Aklan
Capiz
Antique kabilang na ang Caluya Islands
Iloilo
Bantayan Islands
Northern Samar
Northern portion ng Samar (Santa Margarita, Almagro, Tagapul-An, Calbayog City, Santo Nino, Gandara, Matuguinao)
Inaasahang kikilos ang bagyong Kristine pa-west o pa-west northwestward sa West Philippine Sea (WPS) at lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas ng tanghali, Biyernes, Oktubre 25.