November 24, 2024

Home BALITA National

‘Kristine’ napanatili ang lakas; nasa vicinity na ng Bauko, Mountain Province

‘Kristine’ napanatili ang lakas; nasa vicinity na ng Bauko, Mountain Province
Courtesy: PAGASA/FB

Napanatili ng bagyong Kristine ang lakas nito habang kumikilos pa-west southwest sa vicinity ng Bauko, Mountain Province, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dakong 11:00 ng umaga nitong Huwebes, Oktubre 24.

Sa bagong update ng PAGASA, taglay pa rin ng Severe Tropical Storm Kristine ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 160 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo pa-west southwest sa bilis na 20 kilometers per hour.

Dahil dito, itinaas na ang Tropical Cyclone Wind Signal sa mga sumusunod na lugar:

National

OFW sa Middle East, panalo ng ₱37M sa Super Lotto

SIGNAL NO. 3:

Luzon:

Mountain Province

Ifugao

Benguet

Northern portion ng Nueva Vizcaya (Bayombong, Ambaguio, Bagabag, Villaverde, Kayapa, Bambang, Diadi, Quezon, Solano, Santa Fe, Aritao)

Southern portion ng Ilocos Sur (Cervantes, Quirino, Sigay, Suyo, Alilem, Sugpon, Tagudin, Santa Cruz, Salcedo, Gregorio del Pilar, San Emilio, Lidlidda, Burgos, San Esteban, Santiago, Banayoyo, Galimuyod, City of Candon, Santa Lucia, Nagbukel, Santa Maria, Narvacan)

La Union

Pangasinan 

SIGNAL NO. 2

Luzon:

Metro Manila

Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands

Isabela

Quirino

Mga natitirang bahagi ng Nueva Vizcaya

Apayao

Kalinga

Abra

Ilocos Norte

Mga natitirang bahagi ng Ilocos Sur

Nueva Ecija

Aurora

Bulacan

Tarlac

Pampanga

Zambales

Bataan

Rizal

Cavite

Western portion ng Batangas (Lian, Nasugbu, Tuy, Calatagan, Balayan)

Northern portion ng Laguna (Cabuyao City, City of Santa Rosa, City of Bisan, City of San Pedro, Pakil, Mabitac, Pangil, Santa Maria, Siniloan, Famy) 

SIGNAL NO. 1

Luzon:

Batanes

Mga natitirang bahagi ng Batangas

Mga natitirang bahagi ng Quezon

Mga natitirang bahagi ng Occidental Mindoro

Oriental Mindoro

Marinduque

Romblon

Northern portion ng mainland Palawan (El Nido, Taytay, Araceli, San Vicente, Dumaran, Roxas) kabilang na ang Calamian Islands Cuyo, at Kalayaan Islands

Camarines Norte

Camarines Sur

Catanduanes

Albay

Sorsogon

Masbate kabilang na ang Ticao at Burias Islands 

Visayas:

Aklan

Capiz

Antique kabilang na ang Caluya Islands

Iloilo

Bantayan Islands

Northern Samar

Northern portion ng Samar (Calbayog City, Santo Nino, Almagro, Tagapul-An, San Jorge, Matuguinao, Jiabong, Pagsanghan, City of Catbalogan, Gandara, Motiong, San Jose de Buan, Santa Margarita, Tarangnan, Daram, Zumarraga)

Biliran

Northern portion ng Eastern Samar (Maslog, Jipapad, Arteche, Oras, San Policarpo)

Northwestern portion ng Leyte (Calubian, San Isidro)

Base sa forecast track ng PAGASA, inaasahang aalis ang bagyong Kristine sa kalupaan ng Luzon at maglalayag sa katubigan ng kanluran ng Ilocos Region mamayang tanghali. 

Pagkatapos nito, kikilos ang bagyo pa-west northwest sa West Philippine Sea (WPS) at saka inaasahan nang aalis ng Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas ng tanghali, Biyernes, Oktubre 25

“KRISTINE may slightly weaken while crossing Northern Luzon due to land interaction, with downgrading into a tropical storm not ruled out. However, re-intensification may occur once the tropical cyclone moves over the [WPS],” saad ng PAGASA.

Samantala, sa kasalukuyan ay may binabantayan din ang weather bureau na isang low pressure area (LPA) sa labas ng PAR at posible raw itong maging bagyo sa susunod na 24 oras.