Napanatili ng Severe Tropical Storm Kristine ang lakas nito habang mabagal na kumikilos pakanluran sa coastal waters ng Santa Lucia, Ilocos Sur, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dakong 5:00 ng hapon nitong Huwebes, Oktubre 24.
Base sa pinakabagong update ng PAGASA, huling namataan ang Severe Tropical Storm Kristine sa baybayin ng Santa Lucia, Ilocos Sur.
Taglay pa rin ng Severe Tropical Storm Kristine ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 145 kilometers per hour.
Dahil dito, itinaas na ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) sa mga sumusunod na lugar:
SIGNAL NO. 3:
Luzon:
Ilocos Sur
La Union
Pangasinan
SIGNAL NO. 2
Luzon:
Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands
Isabela
Quirino
Nueva Vizcaya
Apayao
Kalinga
Abra
Ifugao
Mountain Province
Benguet
Ilocos Norte
Aurora
Nueva Ecija
Tarlac
Zambales
Bataan
Pampanga
Bulacan
SIGNAL NO. 1
Luzon:
Metro Manila
Batanes
Rizal
Batangas
Laguna
Cavite
Quezon
Occidental Mindoro
Oriental Mindoro
Marinduque
Romblon
Northern portion ng mainland Palawan (El Nido, Taytay, Araceli, San Vicente, Dumaran, Roxas) kabilang na ang Calamian Islands, Cuyo, at Kalayaan Islands
Camarines Norte
Camarines Sur
Catanduanes
Albay
Sorsogon
Masbate kabilang na ang Ticao at Burias Islands
Visayas:
Aklan
Capiz
Antique kabilang na ang Caluya Islands
Iloilo
Bantayan Islands
Northern Samar
Northern portion ng Samar (Calbayog City, Almagro, Tagapul-An, Santo Nino)
Inaasahang kikilos ang bagyong Kristine pa-west o west northwest sa West Philippine Sea (WPS) at lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas ng tanghali, Biyernes, Oktubre 25.