December 22, 2024

Home SHOWBIZ

Hakot award! Angelica Yulo, 'Distinct Mother of the Year'

Hakot award! Angelica Yulo, 'Distinct Mother of the Year'
Photo courtesy: Angelica Yulo (FB)

Isa na namang parangal ang natanggap ni Angelica Yulo, ina ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo, matapos siyang hirangin bilang "Distinct Mother of the Year" ng Gawad Dangal Filipino Awards.

Ayon sa Facebook post ni Angelica, tinanggap niya ang parangal na ipinagkaloob sa kaniya noong Oktubre 22 na ginanap sa isang hotel sa Las Piñas.

Mababasa sa plake, binigyan ng parangal ang mga "Philippines Distinct Men and Women of Excellence" sa iba't ibang larangan.

Kasama ni Angge ang kaniyang mister na si Mark Andrew Yulo sa pagtanggap ng award.

Tsika at Intriga

'Unbothered?' Karen Davila, nag-flex ng larawan kasama ang pamilya Laude

Hindi ito ang unang beses na nakatanggap ng parangal si Angelica dahil sa kaniyang motherhood, sa kabila ng kontrobersiyang kinasangkutan nila sa pagitan ng anak na si Caloy at partner nitong si Chloe San Jose.