October 23, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Rufa Mae Quinto inurirat, bakit wala na raw pics sa IG ng mister

Rufa Mae Quinto inurirat, bakit wala na raw pics sa IG ng mister
Photo courtesy: Rufa Mae Quinto (IG) via Fashion Pulis

Usap-usapan ang naging pang-uusisa ng isang netizen kay Kapuso comedy star Rufa Mae Quinto kung bakit wala na raw siyang mga larawan sa Instagram account ng kaniyang non-showbiz husband na si Trevor Magallanes.

Komento ng netizen sa isang Instagram post ni Peachy (palayaw ni Rufa Mae), "Bkit wala ka ng pictures sa IG ni Trev?"

Isang netizen naman ang sumopla sa nabanggit na commenter, "MOCA HINDI SILA KAGAYA MO AT NG ASAWA MO INUUNA MAG PICTURES KESA SA KUMAKALAM NA SIKMURA!"

Makikita namang pinusuan ni Rufa Mae ang nabanggit na panonopla ng netizen sa nabanggit na "uzi."

Relasyon at Hiwalayan

Rufa Mae, nag-react sa usisa kung bakit wala siyang new pics sa IG ng mister

So it means hindi kailangang bigyan ng kahulugan kung madalang mag-post si Trevor ng pics ni Rufa Mae sa IG niya, baka busy-busyhan lang ang tao!

Mukhang ginagawang hint na talaga ng mga netizen ang unfollowan o kaya naman, kapag hindi na nagpo-post ang celebrity couple ng mga larawan o video nila ng isa't isa sa kani-kanilang social media accounts.

Pero minsan nagiging "OA" nga lang.