January 23, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'PRAY FOR BICOL!' Rosmar binaha ng okray, pero tutulong sa mga biktima ng bagyo

'PRAY FOR BICOL!' Rosmar binaha ng okray, pero tutulong sa mga biktima ng bagyo
Photo courtesy: Rosemarie Tan Pamulaklakin (FB)/Philippine Weather System/Pacific Storm Update (FB)

Kahit na binagyo at binaha ng mga panlalait dahil sa kaniyang Facebook post kaugnay sa Bicol ay magpapaabot daw ng tulong ang social media personality, negosyante, at tumatakbong konsehal sa Maynila na si Rosemarie Tan-Pamulaklakin o mas sikat sa pangalang "Rosmar Tan."

Aniya kasi, habang natutulog daw siya sa malambot na kama at malamig ang temperatura dahil sa aircon ay may mga tao namang hindi malaman kung paano ililigtas ang sarili mula sa baha.

"ang hirap isipin na habang kami naka higa sa malambot na kama, kagigising lang at naka aircon, ang daming bata, matanda na di na alam paano ililigtas sarili sa Bicol dahil sa baha at bagyo," aniya.

Bagama't walang ibig sabihin para kay Rosmar ang kaniyang post ay umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

May mga nagsabing sana raw ay magpaabot ng tulong si Rosmar, tutal ay kilala naman siya sa pagtulong. May mga nagsabi ring dapat daw ay hindi na i-flex ni Rosmar kung anuman ang kinalalagyan niya ngayon dahil puwedeng "insensitive" ito sa panahon ngayon ng kalamidad.

"Sana all nakahiga sa malambot na kama, kagigising lang at naka aircon"

"Kaya bhe ang pagtakbo sa Pulitika dapat eh yung marunong gumawa ng batas at hindi lang basta naging star section pilot A kineso haaaa"

"Uhhmm edi sana all na lang sila sayo, ganon?"

"Pakidonate nalang po ng kama at aircon sa nangangailangan.. para Hindi na kayu mahirapan magisip.. jusko naman.. sinimplehan mo nalang sana.. praying for safety sa lahat.. ganern anteh.. kuha mo gigil namin.. .. masabihan nga ang bagyo sa bahay mo maglandfall.. tsk tsk"

"Pwede naman kasi iset-aside ang yabang. Konsensya at awa na lang muna para sa kapwa ang pinairal. Hindi pa rin talaga nakatiis na iangat ang sarili sa iba."

"Ang hirap din isipin na nasasabi mo yan,habang hindi ka nag iisip! awit bebe."

"Dito tayo sa maawain pero hindi makakalimutan ang mag-flex."

Ilang page din ang gumawa ng meme para sa kaniya, gaya ng "FTTM o Follow The Trend Movement" sa pamamagitan ng pag-edit sa post ni Rosmar.

"inayos na namin para sa ‘yo madam," anila.

MAKI-BALITA: Concern na may konting flex? Post ni Rosmar tungkol sa baha, bagyo inokray

Sa sunod-sunod na posts ni Rosmar ay nagpahayag siya ng pakikisimpatya para sa mga taga-Bicol na malubhang naapektuhan ng bagyo at baha.

Sinabi rin niyang hahanap siya ng paraan para makapagpadala ng tulong sa mga nabiktima ng kalamidad.

"PRAY FOR BICOL sana tumigil na ang Bagyo," aniya sa isang post.

Sa isa pang post, "sa mga taga BICOL pakicomment po dito latest Update sa lugar nyo at saan location hahanap ako ng way para makapag padala ng tao o tulong‍."

Sa latest post naman niya ay sinabi ni Rosmar na binura na niya ang kaniyang naunang Facebook post. 

Paliwanag niya, "binura ko na ang post ko kaninang umaga. Hindi po ganun ang ibig ko sabihin, nakokonsensya kasi ako dahil ung iba Hirapan na sa Bicol, tapos mga nasa bubong na. Mga Aso at pusa, matatanda at mga bata puro dumadaan sa newsfeed ko. Hindi ko ibig ipagyabang na ang comfy namin ngayon. Ang gusto ko lang sabihin ay parang ang hirap maging comfy habang may mga taong inaanod at lumulutang nalang sa baha. Parang nakakakonsensya na wala kang magawa ngayon. Dahil hindi passable ang Bicol. Tapos nababasa ko pa na wala ng makapasok na nga taga Rescue dahil sobra taas na ng baha. Pasensya na kung tingin nyo mali ang pinost ko pero wala po akong intensyon na tulad ng iniisip nyo. Sadyang nag woworry lang ako sa mga Lolo at lola sa sinasapit ngayon ng Bicol Area. Again pasensya na po. At pagpatuloy natin ipag dasal na sana tumila na ang ulan at tumigil na ang bagyo."

"Buburahin ko rin mamaya tong post ko para di na maging issue pa," aniya pa. 

Photo courtesy: Screenshot from Rosemarie Tan Pamulaklakin (FB)