Nagpaabot ng mensahe ang Kapuso star at fashion socialite na si Heart Evangelista para kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.
Sa ulat ng GMA News nitong Martes, Oktubre 22, sinabi umano ni Heart sa isang press conference ng kaniyang upcoming show na sana ay hindi raw mangyari kay Pia ang nangyari sa kaniya.
“Congratulations. You have what you needed. I wish you nothing but the best, and good luck. Sana hindi mangyari sa ‘yo ‘yong nangyari sa ‘kin," saad ni Heart.
Nilinaw na kasi ni Heart sa nasabing press conference na wala raw siyang problema kay Pia. Kaya lang umano lumulutang ang isyu sa pagitan nilang dalawa ay dahil umano sa mga taong umaaligid sa beauty queen.
Aniya, "Woman to woman, I never had a problem with Pia. In fact, I was one of those who cheered for her in the past. And I’d like to think that it was the same for her.”
“But it’s the people that she chose to surround herself with for specific reasons that makes this whole thing problematic,” dugtong pa ni Heart.
Matatandaang nagsimula ang isyu sa pagitan nina Heart at Pia nang makatrabaho ng huli ang dating glam team ng Kapuso star na umalis sa poder nito.
MAKI-BALITA: ‘Nag-unfollowan pa!’ Heart, nilayasan na raw ng glam team?
Makalipas ang ilang buwan, muling napag-usapan ang nasabing isyu dahil sa pagsasa-dokumento ni Heart ng kaniyang pagkaaligaga sa New York Fashion Week.
MAKI-BALITA: ‘Pasabog!’ Isyu sa dating glam team ni Heart, muling nabuhay
Gayunman—ayon kay Heart—naka-move on na raw naman siya at nakapagpatawad na rin.
“I just want everybody to be okay, that’s all honestly. It’s time for us to sincerely move forward. It is what it is. And everybody should just be happy,” sabi niya.