December 23, 2024

Home SHOWBIZ

Di raw sinali sa tally: Melai may pinagpasalamat sa mga marites tungkol sa kanila ni Jason

Di raw sinali sa tally: Melai may pinagpasalamat sa mga marites tungkol sa kanila ni Jason
Photo courtesy: Melai Cantiveros-Francisco (IG)

Nagpasalamat sa mga "marites" ang Kapamilya TV host-comedienne na si Melai Cantiveros-Francisco dahil hindi raw sila isinama sa "tally" ng mister niyang si Jason Francisco, sa listahan ng mga couple na umano'y hiwalay na.

Matatandaang ilang beses na ring naintrigang hiwalay na nang tuluyan ang Melason, at iba pang chika at intriga kaugnay sa kanilang buhay-mag-asawa, lalo't mas aktibo ngayon sa showbiz si Melai.

Aniya sa kaniyang Instagram post, "Shout out sa mga marites all over the world and Congratulations , napagtaugumpayan nyung di kami isali sa tally ng mga couple na maghihiwalay. Pa 1 yr na mga Kamsamiii infareness proud ako sainyu and itu ang most silent era ng pagka marites nyu . Pero may two months pa mga Kamsamii kaya wag dn kami makampante Char lang hahahahaha"

Bukod dito, nagbigay rin ng update si Melai na tila mas iba raw ngayon ang relasyon nila ng mister. Mas nakakapag-usap daw sila ngayon at nanganganak nang nanganganak pa ang kanilang pinag-uusapan.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

"Pero maiba lang sa 11 yrs nmin ni Papang na kasal , itu yung era nmin na walang humpay na usapan, yung nanganganak ang usapan and nag kaka-apo pa . Ganyan dn ba kayu? Ng hubby nyu? Comment down below kng di nmn kayu ganyan?" saad pa ni Melai.

Nagsimula ang love story nila Melai at Jason sa loob ng Pinoy Big Brother house kung saan pareho silang naging housemates, at pareho pang napabilang sa Big Four. Sa huli, itinanghal na Big Winner ng kanilang batch si Melai. 

Nauwi naman sa totohanan ang kanilang love team sa loob ng Bahay ni Kuya. Sa ngayon, may dalawa na silang anak, sina Mela at Stella na pareho na ring kinatutuwaan ng publiko dahil sa kanilang pagiging kalog gaya ng mga magulang.