October 24, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Di ko ibig ipagyabang na ang comfy namin ngayon!' Rosmar kambyo sa okray

'Di ko ibig ipagyabang na ang comfy namin ngayon!' Rosmar kambyo sa okray
Photo courtesy: Rosemarie Tan Pamulaklakin (FB)

Pumalag ang social media personality, negosyante, at tatakbong konsehal ng Maynila na si Rosmar Tan Pamulaklakin sa mga bash at okray na natanggap niya dahil sa kaniyang Facebook post patungkol sa pananalasa ng bagyong Kristine sa Bicol region, na nagdulot ng matinding pagbaha sa maraming lugar.

Inisyu kasi ng mga netizen na tila "ipinagyabang" daw ni Rosmar ang kinalalagyan nila ngayon ng kaniyang pamilya, na nakahiga sa malambot na kama habang nakabukas ang aircon, bagay na "insensitive" daw sa mga pangyayari ngayon.

"ang hirap isipin na habang kami naka higa sa malambot na kama, kagigising lang at naka aircon, ang daming bata, matanda na di na alam paano ililigtas sarili sa Bicol dahil sa baha at bagyo," aniya.

Bagama't walang ibig sabihin para kay Rosmar ang kaniyang post ay umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

Tsika at Intriga

Yassi, tinalakan ng netizens dahil sa Siargao issue ng Villafuertes

May mga nagsabing sana raw ay magpaabot ng tulong si Rosmar, tutal ay kilala naman siya sa pagtulong. May mga nagsabi ring dapat daw ay hindi na i-flex ni Rosmar kung anuman ang kinalalagyan niya ngayon dahil puwedeng "insensitive" ito sa panahon ngayon ng kalamidad.

"Sana all nakahiga sa malambot na kama, kagigising lang at naka aircon"

"Kaya bhe ang pagtakbo sa Pulitika dapat eh yung marunong gumawa ng batas at hindi lang basta naging star section pilot A kineso haaaa"

"Uhhmm edi sana all na lang sila sayo, ganon?"

"Pakidonate nalang po ng kama at aircon sa nangangailangan.. para Hindi na kayu mahirapan magisip.. jusko naman.. sinimplehan mo nalang sana.. praying for safety sa lahat.. ganern anteh.. kuha mo gigil namin.. .. masabihan nga ang bagyo sa bahay mo maglandfall.. tsk tsk"

"Pwede naman kasi iset-aside ang yabang. Konsensya at awa na lang muna para sa kapwa ang pinairal. Hindi pa rin talaga nakatiis na iangat ang sarili sa iba."

"Ang hirap din isipin na nasasabi mo yan,habang hindi ka nag iisip! awit bebe."

"Dito tayo sa maawain pero hindi makakalimutan ang mag-flex."

MAKI-BALITA: Concern na may konting flex? Post ni Rosmar tungkol sa baha, bagyo inokray

Ilang page din ang gumawa ng meme para sa kaniya, gaya ng "FTTM o Follow The Trend Movement" sa pamamagitan ng pag-edit sa post ni Rosmar.

"inayos na namin para sa ‘yo madam," anila.

Sa sunod-sunod na posts ni Rosmar ay nagpahayag siya ng pakikisimpatya para sa mga taga-Bicol na malubhang naapektuhan ng bagyo at baha.

Sinabi rin niyang hahanap siya ng paraan para makapagpadala ng tulong sa mga nabiktima ng kalamidad.

"PRAY FOR BICOL sana tumigil na ang Bagyo," aniya sa isang post.

Sa isa pang post, "sa mga taga BICOL pakicomment po dito latest Update sa lugar nyo at saan location hahanap ako ng way para makapag padala ng tao o tulong‍."

MAKI-BALITA: 'PRAY FOR BICOL!' Rosmar binaha ng okray, pero tutulong sa mga biktima ng bagyo

Sa latest post naman niya ay sinabi ni Rosmar na binura na niya ang kaniyang naunang Facebook post at wala siyang intensyong ipagyabang kung komportable man ang kalagayan niya ngayon.

Paliwanag niya, "binura ko na ang post ko kaninang umaga. Hindi po ganun ang ibig ko sabihin, nakokonsensya kasi ako dahil ung iba Hirapan na sa Bicol, tapos mga nasa bubong na. Mga Aso at pusa, matatanda at mga bata puro dumadaan sa newsfeed ko. Hindi ko ibig ipagyabang na ang comfy namin ngayon. Ang gusto ko lang sabihin ay parang ang hirap maging comfy habang may mga taong inaanod at lumulutang nalang sa baha. Parang nakakakonsensya na wala kang magawa ngayon. Dahil hindi passable ang Bicol."

Humingi naman ng paumanhin ang social media personality kung sa tingin daw ng mga tao ay insensitive ang kaniyang post.

"Tapos nababasa ko pa na wala ng makapasok na nga taga Rescue dahil sobra taas na ng baha. Pasensya na kung tingin nyo mali ang pinost ko pero wala po akong intensyon na tulad ng iniisip nyo. Sadyang nag woworry lang ako sa mga Lolo at lola sa sinasapit ngayon ng Bicol Area. Again pasensya na po. At pagpatuloy natin ipag dasal na sana tumila na ang ulan at tumigil na ang bagyo."

"Buburahin ko rin mamaya tong post ko para di na maging issue pa," aniya pa.

Photo courtesy: Rosemarie Tan Pamulaklakin (FB)

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, ay burado na nga ang posts na sinabi niyang aalisin na niya.