Tinatayang nasa AUD$109M o ₱4B halaga ng mga ari-arian ang iniwan daw ni dating One Direction member Liam Payne sa kaniyang anak, matapos ang kaniyang biglaang pagpanaw noong Oktubre 17, 2024.
KAUGNAY NA BALITA: Liam Payne, pumanaw na
Ayon sa ulat ng ilang international media outlets, nakatakda raw manahin ni Bear Grey, kaisa-isang anak ni Liam, ang mga naipundar ng kaniyang ama na mula sa naging karera nito sa music industry at endorsements.
Sa guesting sa isang podcast episode ni Paul Logan na “Impaulsive,” noong 2022, nauna nang nabanggit ni Liam ang kaniyang iiwan kay Bear, na noo’y limang taong gulang pa lamang.
“My life now is his, my money is his,” ani Liam.
“I actually have got several companies that are up and running that I know he can run if he wants to. And if he wants to sell them, he can sell them; if he wants to run them, he can run them. That’s his choice,” dagdag pa ni Liam.
Si Bear, ay anak ni Liam kay dating X-Factor judge at TV personality na si Cheryl Cole. Matatandaang taong 2016 din nang maisapubliko ang pagkakaroon ng romantic interest ni Liam kay Cole at 2017 naman nang magkaroon sila ng anak habang 2018 nang inanunsyo nila ang hiwalayan.
KAUGNAY NA BALITA: Ina ng anak ni Liam Payne nanawagan sa media: 'Please give Liam little dignity…’
Kate Garcia