October 22, 2024

Home BALITA National

VP Sara, inaming naging ‘cold’ si Sen. Imee: ‘Wag mainis sa’kin, mainis siya kay Martin!’

VP Sara, inaming naging ‘cold’ si Sen. Imee: ‘Wag mainis sa’kin, mainis siya kay Martin!’
MULA SA KALIWA: VP Sara Duterte at Sen. Imee Marcos (MB photo; Facebook)

Inamin ni Vice President Sara Duterte na naging “cold” sa kaniya ang kaibigan niyang si Senador Imee Marcos matapos ang kaniyang mga naging patutsada sa kapatid nitong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at naging pahayag hinggil sa yumaong amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Matatandaang sa isang press conference noong Biyernes, Oktubre 18, isiniwalat ni VP Sara na sinabihan umano niya si Sen. Imee na itatapon niya ang katawan ng ama nitong si dating Pangulong Marcos Sr. sa West Philippine Sea (WPS).

MAKI-BALITA: VP Sara, sinabihan si Sen. Imee na itatapon niya katawan ni Marcos Sr. sa WPS

Tahasan ding sinabi ng bise presidente na gusto niyang pugutan ng ulo si PBBM dahil daw sa napahiyang estudyante noong dumalo sila sa isang graduation ceremony. 

National

VP Sara binanatan si Sec. Remulla na hindi raw alam ang batas

MAKI-BALITA: VP Sara, gustong pugutan ng ulo si PBBM dahil sa napahiyang estudyante

Habang isinusulat ito’y hindi naman naglabas ng pahayag sina PBBM at Sen. Imee sa nasabing mga tirada ni VP Sara, bagama’t nagsalita na hinggil dito ang anak ng pangulo na si Ilocos Norte 1st district Rep. Sandro Marcos.

MAKI-BALITA: ‘She crossed the line!’ Sandro Marcos, binuweltahan mga patutsada ni VP Sara kay PBBM

Samantala, tila si VP Sara na mismo ang nagbahagi ng naramdaman ni Sen. Imee matapos niyang ibahagi sa isang ambush interview nitong Martes, Oktubre 22, na naging malamig ito sa kaniya pagkatapos ng press conference.

“After no’ng presscon, tinext ko siya. She was cold, malamig. Meron siyang sinabihang common friend namin na naiinis siya sa akin at BBM,” anang bise presidente na inulat ng Manila Bulletin

“Then sinabihan ko ‘yong common friend namin, sabihin mo sa kaniya huwag siya mainis sa akin, mainis siya kay Martin,” dagdag niya, na tila pinatutungkulan si House Speaker Martin Romualdez na pinsan nina Sen. Imee at PBBM.

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, nag-resign sa DepEd dahil kinuha raw nina Romualdez at Co ang budget ng ahensya

Nang tanungin naman kung “friendship over” na ba sila ni Sen. Imee, sinabi ni VP Sara na hindi niya malalaman ang mga susunod na mangyayari ngunit itinuturing pa rin daw niya ang senador bilang isang “kaibigan” at hindi naman umano niya ito inatake.