November 24, 2024

Home BALITA National

Sandro Marcos, hiniling ‘peace of mind’ at ‘mental clarity’ ni VP Sara

Sandro Marcos, hiniling ‘peace of mind’ at ‘mental clarity’ ni VP Sara
Rep. Sandro Marcos at VP Sara (Facebook; MB photo)

Ipinahayag ni Ilocos Norte 1st district Rep. Sandro Marcos na sana raw ay magkaroon ng “peace of mind” at “mental clarity” si Vice President Sara Duterte matapos ang mga naging patutsada nito laban sa kaniyang amang si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. 

Sa isang pahayag nitong Martes, Oktubre 22, kinondena ni Sandro ang mga patutsada ni Duterte sa isang press conference noong Biyernes, Oktubre 18, partikular na ang tungkol sa sinabi ng bise presidente na ginusto niyang pugutan ng ulo si PBBM at nagbanta umanong itapon ang mga labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa West Philippine Sea (WPS).

MAKI-BALITA: VP Sara, gustong pugutan ng ulo si PBBM dahil sa napahiyang estudyante

MAKI-BALITA: VP Sara, sinabihan si Sen. Imee na itatapon niya katawan ni Marcos Sr. sa WPS

National

OFW sa Middle East, panalo ng ₱37M sa Super Lotto

“I cannot stay silent while she threatens to exhume a former president and behead an incumbent one. Besides, her bizarre temper tantrum has been condemned by a nation horrified from such displays of insensitivity towards the dead and cruelty to the living,” giit ng kongresista.

MAKI-BALITA: ‘She crossed the line!’ Sandro Marcos, binuweltahan mga patutsada ni VP Sara kay PBBM

Sa nasabing pahayag ay hiniling din ni Sandro ang kaayusan ni Duterte dahil ang katagumpayan daw nito ay tagumpay rin ng buong bansa.

“Let this be an opportune time to remind ourselves that we mustn't take our mental health for granted and that above all else I sincerely hope she is okay. As such, I still wish the Vice President well,” ani Sandro.

“Ultimately, her success, like the President's, will be the success of our nation as a whole. May she find the peace of mind and mental clarity that seems to be eluding her,” saad pa niya.

Matatandaang naging magkakampi sina PBBM at VP Duterte noong 2022 national elections sa ilalim ng ticket ng UniTeam.

Ngunit muling naging usap-usapan kamakailan ang pagkabuwag ng tandem ng dalawang pinakamataas na opisyal sa bansa matapos humingi ng tawad ni Duterte dahil dahil nakiusap siyang iboto si PBBM noong tumatakbo pa lamang ito bilang pangulo ng bansa.

MAKI-BALITA: VP Sara, humingi ng patawad dahil nakiusap siyang iboto si PBBM noong 2022

Kaugnay nito, sa naturang press conference noong Oktubre 18 ay iginiit ni Duterte na hindi umano marunong maging presidente si Marcos, at mayroon daw siyang listahan ng limang “impeachable offenses” nito.

MAKI-BALITA:  ‘1 out of 10 ang rating!’ PBBM, ‘di marunong maging presidente — VP Sara

MAKI-BALITA: VP Sara, may listahan daw ng ‘5 impeachable offenses’ ni PBBM