October 22, 2024

Home SHOWBIZ

Liam Payne positibo, nakitaan ng 'multiple drugs' sa autopsy

Liam Payne positibo, nakitaan ng 'multiple drugs' sa autopsy
(Photo courtesy: AP file photo, Pexels)

Nagpositibo ang namatay na "One Direction" band member na si Liam Payne sa iba't ibang uri ng drugs sa isinagawang preliminary toxicology test at autopsy sa kaniyang katawan, ayon sa mga ulat.

Ang mga drogang "pink cocaine" na may methamphetamine, ketamine at MDMA ay natagpuan sa kaniyang katawan batay sa partial autopsy na isinagawa sa kaniya.

Noong Oktubre 16 (Oktubre 17 sa Pilipinas) ay nagulantang ang lahat nang maibalita ang pagpanaw ni Payne. Lumagapak sa ground floor ang katawan ng singer matapos itong mahulog mula sa ikatlong palapag ng hotel na kaniyang tinutuluyan sa Argentina.

Saad pa ng Associated Press (AP), sinabi ng isang nagngangalang Pablo Policicchio, communications director ng Buenos Aires Security Ministry, na "tumalon si Payne sa balcony ng kaniyang kuwarto."

Bimby nagbiro kay Kris; di raw excited si P-Noy na maka-reunion siya sa langit

Sumugod daw ang mga pulis sa hotel bilang tugon sa isang emergency call, aniya, may babala raw tungkol sa "aggressive man who could be under the influence of drugs or alcohol.”

Bukod dito, nakakuha umano ang AP ng kopya ng 911 call ng hotel manager na nagsasabing "a guest who overwhelmed with drugs and alcohol... He’s destroying the entire room and, well, we need you to send someone, please.”

MAKI-BALITA: Liam Payne, nasa ilalim umano ng impluwensya ng illegal drugs bago pumanaw?

Bago ang insidente at noong nabubuhay pa, inamin ni Payne na siya ay naging "alcoholic" at sumailalim sa rehabilitasyon. Bukod dito, inamin niyang siya ay gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. 

Nagawa pang magbigay ng social media updates si Payne sa kaniyang Snapchat kasama ang partner na si Kate Cassidy; ngunit nang maganap ang insidente ay nauna na siya sa Buenas Aires.

MAKI-BALITA: Liam Payne, nakapag-post pa isang oras bago ang nakagugulat na pagpanaw