Bahagya pang lumakas ang Tropical Storm Kristine habang kumikilos ito sa Philippine Sea sa silangan ng Bicol Region, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dakong 5:00 ng hapon nitong Martes, Oktubre 22.
Sa update ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng Tropical Storm Kristine 390 kilometro ang layo sa silangan ng Daet, Camarines Norte.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 90 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo pa-west northwest sa bilis na 15 kilometers per hour.
Dahil dito, itinaas sa Signal No. 2 ang buong lalawigan ng Catanduanes.
Nasa Signal No. 1 naman ang mga sumusunod na lugar:
- Catanduanes
- Eastern portion ng Camarines Norte (Basud, Daet, Talisay, Vinzons, Paracale, Mercedes)
- Eastern portion ng Camarines Sur (Caramoan, Presentacion, Garchitorena, Tinambac, Siruma, Lagonoy, Goa, San Jose, Saglay, Tigaon)
- Eastern portion ng Albay (Rapu-Rapu, Bacacay, City of Tabaco, Malilipot, Malinao, Tiwi)
- Eastern portion of Sorsogon (Barcelona, Gubat, Prieto Diaz)
VISAYAS:
- Northeastern portion ng Northern Samar (Palapag, Mapanas, Gamay, Laoang, Catubig, Lapinig, Pambujan, San Roque)
- Northern portion ng Eastern Samar (Jipapad, San Policarpo, Arteche)
Nakataas naman sa Signal No. 1 ang mga sumusunod na lugar:
LUZON
- Ilocos Norte
- Ilocos Sur
- La Union
- Pangasinan
- Apayao
- Kalinga
- Abra
- Mountain Province
- Ifugao
- Benguet
- Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands
- Isabela
- Quirino
- Nueva Vizcaya
- Aurora
- Nueva Ecija
- Tarlac
- Zambales
- Bataan
- Pampanga
- Bulacan
- Metro Manila
- Cavite
- Laguna
- Batangas
- Rizal
- Quezon kabilang na ang Pollilo Islands
- Occidental Mindoro kabilang na ang Lubang Islands
- Oriental Mindoro
- Masbate kabilang na ang Ticao at Burias Islands
- Marinduque
- Romblon
- Mga natitirang bahagi ng Camarines Norte
- Mga natitirang bahagi ng Camarines Sur
- Mga natitirang bahagi ng Albay
- Mga natitirang bahagi ng Sorsogon
VISAYAS:
- Mga natitirang bahagi ng Eastern Samar
- Mga natitirang bahagi ng Northern Samar
- Samar
- Leyte
- Biliran
- Southern Leyte
MINDANAO:
- Dinagat Islands
- Surigao del Norte kabilang na ang Siargao - Bucas Grande Group
Ayon sa PAGASA, inaasahang unti-unting lalakas pa ang bagyo at itataas sa “severe tropical storm” category bago ito mag-landfall. Bahagya naman itong hihina habang tatawid sa Northern Luzon.
“Re-intensification may occur over the West Philippine Sea,” saad ng weather bureau.