December 23, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Julia Barretto, Gerald Anderson sinulit ang isa't isa sa El Nido

Julia Barretto, Gerald Anderson sinulit ang isa't isa sa El Nido
Photo Courtesy: Gerald Anderson,Julia Barretto (IG)

Tila sinulit talaga ng celebrity couple na sina Julia Barretto at Gerald Anderson ang kanilang quality time sa El Nido, Palawan.

Sa latest Instagram post ni Gerald kamakailan, makikita nag serye ng mga larawan at video nila ni Julia na kuha sa nasabing lugar.

“Somewhere between the sky and the ocean, I found paradise,” saad ni Gerald sa caption.

Umami naman ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

"Paradise indeed . lol , the iguana Julia was too cute there "

"Wedding bells please "

"malakas talaga kutob ko dito. sila na talaga forever"

"Christian Grey pinoy version please "

"Never let your ‘paradise’ go. She’s precious "

"No sweet fotos together? A little pda would look so romantic in the paradise you found in Palawan "

"Sobrang deserve mo yan Gerald. You've been helping out the community and giving back. This time, ikaw naman. "

Mukhang going strong pa rin ang relasyon nina Julia at Gerald. Matatandaang lumutang noong Agosto ang tsikang nagpakasal na raw sila ni Julia sa ibang bansa. 

Pero pinabulaanan ito ng aktor dahil hindi naman daw niya itatago ang gano’ng bagay.

MAKI-BALITA: Gerald Anderson, walang balak itago kasal nila ni Julia Barretto