December 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Heart Evangelista, nagsalita na sa 'hidwaan' nila ni Pia Wurtzbach

Heart Evangelista, nagsalita na sa 'hidwaan' nila ni Pia Wurtzbach
Photo Courtesy: Heart Evangeslita, Pia Wurtzbach (IG)

Nagbigay na ng pahayag si Kapuso star at fashion socialite Heart Evangelista hinggil sa tila gusot nila ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Sa ulat ng GMA News nitong Martes, Oktubre 22, sinabi raw ni Heart sa isang press conference na wala raw siyang problema kay Pia kailanman.

“Woman to woman, I never had a problem with Pia," saad ni Heart. “In fact, I was one of those who cheered for her in the past. And I’d like to think that it was the same for her.”

Inalala pa raw ng Kapuso star kung gaano siya na-touch nang mag-post ang Miss Universe ng #HeartMadeMeDoIt sa social media nito.

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

Kaya giit niya: “It’s the people that she chose to surround herself with for specific reasons that makes this whole thing problematic.”

Sa huli, nagpaabot na lang ng mensahe si Heart para kay Pia.

“Congratulations. You have what you needed. I wish you nothing but the best, and good luck," aniya.

Ayon pa sa kaniya, “I just want everybody to be okay, that’s all honestly. It’s time for us to sincerely move forward. It is what it is. And everybody should just be happy.”

Matatandaang nagsimula ang isyu sa pagitan nina Heart at Pia nang makatrabaho ng huli ang dating glam team ng Kapuso star na umalis sa poder nito. 

MAKI-BALITA: ‘Nag-unfollowan pa!’ Heart, nilayasan na raw ng glam team?

Makalipas ang ilang buwan, muling napag-usapan ang nasabing isyu dahil sa pagsasa-dokumento ni Heart ng kaniyang pagkaaligaga sa New York Fashion Week.

MAKI-BALITA: ‘Pasabog!’ Isyu sa dating glam team ni Heart, muling nabuhay