October 23, 2024

Home SHOWBIZ

Gabbi Garcia sa pagiging beauty queen: 'The desire is there'

Gabbi Garcia sa pagiging beauty queen: 'The desire is there'
Photo Courtesy: Screenshot from GMA Network (YT), Gabbi Garcia (IG)

Nausisang muli si Kapuso actress Gabby Garcia tungkol sa pangarap niyang maging beauty queen nang sumalang siya sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Lunes, Oktubre 21.

Sa latest episode ng nasabing programa, sinabi ni Gabbi na hindi pa rin daw nawawala ang paghahangad niyang makoronahan bilang beauty queen.

“The desire is there. I always tell that in all my interviews, the desire is there,” saad ni Gabbi. “But when your reality kicks in, you have so many things to consider.

“For example, contracts, endorsements, brands. So, parang ito ‘yong mga hindi alam ng mga tao na it’s a bit complicated,” wika niya. 

Musika at Kanta

Parokya ni Edgar, stranded sa Sorsogon; hiniritan ng fans ng bagong kanta

Dagdag pa ng Kapuso actress: “10 years na ako sa industry, so I’ve already built a lot of relationships with brands, with my colleague that I would have to pause and focus on the beauty queen world, which is also hard.”

Pero umaasa pa rin daw si Gabbi na magkaroon siya ng oras upang magdesisyon sa bagay na ito.

Matatandaang minsan na ring natanong ang Kapuso actress tungkol sa posibleng pagsabak niya sa beauty pageant.

MAKI-BALITA: Gabbi Garcia, sasabak sa Miss Universe PH 2024?

Hindi naman ito imposibleng mangyari dahil kung tutuusin ay parang pinagbiyak na bunga sila ni Miss Universe 2023 Michelle Dee.