October 23, 2024

Home SHOWBIZ

Bimby nagbiro kay Kris; di raw excited si P-Noy na maka-reunion siya sa langit

Bimby nagbiro kay Kris; di raw excited si P-Noy na maka-reunion siya sa langit
Photo courtesy: Kris Aquino (IG)/Manila Bulletin

Ibinahagi ni Queen of All Media Kris Aquino ang biro sa kaniya ng bunsong anak na si Bimby Aquino Yap, nang sabihin niya rito ang sinabi ng doktor sa kaniyang health condition, batay sa ibinahagi niya sa Instagram post.

Kaugnay kasi ito sa pag-test kung may cancer ba siya o wala, lalo't namatay sa colon cancer ang kaniyang inang si dating Pangulong Corazon "Cory" Aquino.

Medyo nahirapan daw si Kris na ipaliwanag sa kaniyang 17-anyos na anak ang ilang mga posibilidad, subalit nanatili pa ring positibo ang anak sa kaniyang pananaw at nagawa pang magbiro sa kaniya.

Sabi raw ni Bimb, hindi raw gugustuhin ng kaniyang tito at yumaong dating Pangulong Noynoy Aquino na mag-reunion sila ni Kris sa langit, dahil ayaw nitong mawala ang kapayapaan at katahimikan sa langit.

Liam Payne positibo, nakitaan ng 'multiple drugs' sa autopsy

"He said 'Mama until they do the biopsy let's trust God that you're cancer free. Lola will make sure you'll get through this and if ever, mama it's early detection," kuwento ni Krissy.

Dagdag pa niya, "He even jokes: i don't think tito Noy is excited to have a reunion with you this soon because he's enjoying the peace and quiet in heaven. You do know how you can talk nonstop?'"

Matatandaang si dating P-Noy ay namatay dahil sa renal disease, pangalawa sa diabetes, noong Hunyo 24, 2021.

Anyway, sa kaniyang latest Instagram post ay nagbigay ng updates si Kris sa kaniyang love life at pagbabalik-telebisyon bago matapos ang 2024, bukod pa sa pinakabagong update sa kaniyang kalusugan. 

MAKI-BALITA: Kris nagsasalita kahit tulog; may sakit na, designer bag pa rin iniisip

MAKI-BALITA: Kris, may bagong health updates; 'cancer free' pero may kinatatakutan pa rin

MAKI-BALITA: Kris may nilulutong bagong show, magbabalik-TV na?

MAKI-BALITA: Kris, ikakasal na nga ba talaga sa jowang doktor?