October 22, 2024

Home FEATURES Trending

Babae, walang pera pambayad sa sinakyang taxi; BJ na lang daw?

Babae, walang pera pambayad sa sinakyang taxi; BJ na lang daw?

Usap-usapan ngayon sa social media ang "alok" ng isang babae sa lalaking taxi driver dahil wala raw siyang pera na pambayad matapos sumakay mula Tomas Morato papuntang Muñoz.

Sa isang Facebook group, nag-upload ng video ang netizen na may ngalang "Plaser Asly," mistulang taxi driver, kung saan mapapanood ang pag-uusap nila ng pasahero niyang babae.

"Hindi ako kumita ngayon e. Kahit tingnan n'yo po 'yong gamit ko, wala po akong kinita ngayon. Kung may pera lang ako tingnan n'yo po wala po talaga akong kinita ngayon," saad ng babae. 

"Kahit P100?" tila tawad pa ng taxi driver pero hindi niya naipakita o nabanggit sa video kung magkano ang sinisingil niya.

Trending

VIRAL: Guro, ipinagtanggol nang ‘pagbintangang’ nagtuturo ng mali

"Wala po talaga e. I-BJ (blow job) ko na lang kayo. Wala po talaga akong kinita ngayon kuya e," alok ng babae.

"Baba na," saad naman nung driver.

"Ayaw mo i-BJ na lang kita?" pagtatanong ulit ng pasahero.

"Ayoko. Baba na, baba na." sagot ng driver.

"Edi 'wag," sagot pabalik pa no'ng babae bago bumaba. 

Samantala, makikita sa comment section tila may mga nabiktima na rin ang babae dahil ayon sa ibang taxi driver naisakay na rin daw nila ito.

"Naisakay kona yan begnangdadakma ng pera sa loob ng taxe konware naghahanap ng charger sbe nya pa 8monts na daw cya d ginagalaw dame modus ngayon"

"Pambihira, sumabay Yan sa akin kahapon, 145 ang metro, 100 lang binayad. Welcome to the club, amigo."

"Nakupo yan yung tumira ng cp ko minsan dami bag n dala nyan"

"Nasakay ko din yan babae na yan mula morato to katipunan hindi din yan nag bayad sa akin"

"Haha kilala ko yan sumakay na yan skin philcoa yan ang kumoha ng cp ko natandaan kona yan sbi nya bj..pinababa ko ndi ko namalayan dala na cp yan tlga"

"Gawain nya po yan...kilala ko yan kaya ingat po kayo lahat ng taxi driver modus po nya yan..."

"Dati s bagong barrio Yan nasakay , tapos papahatid Ng SM North"

Habang isinusulat ito, umabot na sa mahigit 9.1K reactions, 987 comments, at 4K shares ang post. 

PANOORIN: FACEBOOK VIDEO