October 21, 2024

Home BALITA National

Taga-Lanao del Norte, wagi ng ₱37.4M jackpot prize sa SuperLotto 6/49

Taga-Lanao del Norte, wagi ng ₱37.4M jackpot prize sa SuperLotto 6/49
FILE PHOTO BY JANSEN ROMERO (MANILA BULLETIN)

Isang taga-Lanao del Norte ang pinalad na makapag-uwi ng ₱37.4 milyong jackpot prize ng SuperLotto 6/49 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Linggo ng gabi.

Sa abiso ng PCSO nitong Lunes, nabatid na matagumpay na nahulaan ng jackpot winner ang winning combination na 20-32-29-31-01-22 kaya’t naiuwi nito ang katumbas na premyong ₱37,462,798.

Nabili umano ng lucky winner ang kanyang lucky ticket sa isang lotto outlet mula sa Iligan City, Lanao del Norte.

Upang makubra ang kaniyang premyo, kinakailangan lamang ng lucky winner na magtungo sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at iprisinta ang kanyang lucky ticket at dalawang balidong IDs.

National

Remulla, inalmahan patutsada ni VP Sara kay PBBM: ‘Buti na lang ‘di tumakbong presidente!’

Mayroon lamang namang isang taon ang lucky winner, mula sa petsa ng pagbola, upang kubrahin ang kaniyang premyo. Ang lahat naman ng premyong hindi makukubra sa loob ng isang taon ay awtomatikong mapupunta sa kawanggawa.

Nagpaalala rin ang PCSO na alinsunod sa TRAIN Law, ang lahat ng premyong lampas ng ₱10,000 ay papatawan ng 20% tax.

Samantala, wala namang pinalad na makapag-uwi ng tumataginting na ₱292,063,826 na jackpot prize ng UltraLotto 6/58 na binola rin nitong Linggo ng gabi, at may winning combination na 42-13-38-56-28-26 kaya’t asahan nang lalo pang tataas ang naturang premyo.

Ang SuperLotto 6/49 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo habang ang UltraLotto 6/58 ay binobola naman tuwing Martes, Biyernes at Linggo.