October 21, 2024

Home BALITA National

Remulla, inalmahan patutsada ni VP Sara kay PBBM: ‘Buti na lang ‘di tumakbong presidente!’

Remulla, inalmahan patutsada ni VP Sara kay PBBM: ‘Buti na lang ‘di tumakbong presidente!’
MULA SA KALIWA: DOJ Sec. Boying Remulla, VP Sara Duterte at Pres. Bongbong Marcos (file photo)

Inalmahan ni Department of Justice (DOJ) Secretary Boying Remulla ang naging pahayag ni Vice President Sara Duterte na ginusto niyang “pugutan ng ulo” si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at sinabing hindi umano ito sasabihin ng taong matino ang pag-iisip.

Matatandaang sa isang press conference noong Biyernes, Oktubre 19, tahasang sinabi ni Duterte na gusto niyang pugutan ng ulo si Marcos dahil daw sa napahiyang estudyante noong dumalo sila sa isang graduation ceremony. 

MAKI-BALITA: VP Sara, gustong pugutan ng ulo si PBBM dahil sa napahiyang estudyante

Bukod dito, isiniwalat din ng bise presidente na sinabihan umano niya si Senador Imee Marcos na itatapon niya ang katawan ng ama nilang si dating Pangulong Marcos Sr. sa West Philippine Sea (WPS).

National

Taga-Lanao del Norte, wagi ng ₱37.4M jackpot prize sa SuperLotto 6/49

MAKI-BALITA: VP Sara, sinabihan si Sen. Imee na itatapon niya katawan ni Marcos Sr. sa WPS

Sa panayam naman ng DZRH nitong Sabado, Oktubre 19, iginiit ni Remulla na hindi niya akalaing nasabi ng bise presidente ang naturang mga pahayag.

“It does not speak of a sane and clear-thinking person. Iba na yun. Non-compos mentis (of unsound mind) na ‘yung pinanggagalingan,” giit ni Remulla.

Ayon pa sa DOJ secretary, mabuti na lamang umano at hindi tumakbo bilang pangulo ng bansa si Duterte noong 2022 national elections.

“Dumating na sa punto na ganoon na magsalita si VP Sara, eh ang sabi ko nga, buti na lang ‘di siya tumakbong presidente, baka manalo pa,” ani Remulla.“Dapat malaman na natin talaga what she’s made of,” saad pa niya.

Samantala, binigyang-diin din ni Remulla na labag sa revised penal code ang nasabing pagbabanta ni Duterte na itatapon niya ang mga labi ni Marcos Sr. sa WPS.

MAKI-BALITA: Banta ni VP Sara na itatapon mga labi ni Marcos Sr. sa WPS, labag sa batas – Remulla