October 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Ogie Diaz may apela sa mga chismosa: 'Pakinabangan na natin, sali kayo rito!'

Ogie Diaz may apela sa mga chismosa: 'Pakinabangan na natin, sali kayo rito!'
Photo courtesy: TV5 (IG)

May panawagan ang showbiz insider na si Ogie Diaz sa lahat ng mga marites at mahilig sa showbiz chika.

Sa media conference ng pinakabago niyang quiz show na "Quizmosa" sa TV5, sinabi ni Ogie na malaking hamon sa kaniya ngayon ang tiwalang ibinigay ng network para buhayin ang hapon nito.

Makakatapat kasi niya ang mga panghapong drama sa mga network.

Hinimok naman niya ang mga "chismosa" na sumali sa kanila at pakinabangan ang pagiging mahilig sa chismis lalo na sa mga chika at intrigang kinasasangkutan ng mga artista at celebrity, hindi lamang sa mundo ng showbiz o entertainment industry kundi maging sa larangan ng sports at politika. 

Tsika at Intriga

Heart Evangelista, nagsalita na sa 'hidwaan' nila ni Pia Wurtzbach

Magho-host kasi si Ogie ng pinakabagong game-variety show ng TV5 na “Quizmosa," 2:30 ng hapon mula Lunes hanggang Sabado, pagkatapos ng "Eat Bulaga."

Isa sa mga co-host niya sa "Showbiz Update" na si Tita Jegs ang makakasama niya rito, gayundin ang social media personality na si Ton Soriano, at dating Hashtags member na si Kid Yambao, na kamakailan lamang ay "nagpa-quota" sa isang fan. 

Naisyu pa nga ang titulo nito dahil sa pagkakapareho sa pamagat naman ng segment ng "TiktoClock" sa GMA Network. 

MAKI-BALITA: 'Quizmosa' ni Ogie Diaz, ginaya ng GMA Network?

Excited na nga si Ogie dahil ito na nga ang muli niyang pagbabalik sa telebisyon matapos ang sitcom na "Home Sweetie Home" sa ABS-CBN. 

Nagpaalam daw muna siya sa mga former ABS-CBN boss lalo na kay Cory Vidanes bago niya tanggapin ang alok sa kaniya ng TV5. May basbas naman daw mula sa kanila kaya pumayag na siya.