October 21, 2024

Home BALITA Internasyonal

Matapos mag-viral sa Pinas: 19-anyos na piloto na si Ethan Guo, nilinaw relasyon kay Alice Guo

Matapos mag-viral sa Pinas: 19-anyos na piloto na si Ethan Guo, nilinaw relasyon kay Alice Guo
Photo courtesy: Ethan Guo/Instagram and Alice Guo/Facebook

Tila hindi na nakatiis ang viral na 19-anyos na piloto na si Ethan Guo na magkomento hinggil sa relasyon niya kay dating Bamban, Tarlac mayor Alice Guo matapos ang pag-uurirat ng netizens sa kaniya.

Naging laman ng balita si Ethan ng ilang local news media outlet kamakailan nang bumisita siya sa bansa bilang parte pa rin ng kaniyang ekspedisyon na maikot ang pitong kontinente sa buong mundo. 

Sa isang Instagram post ng ABS-CBN news kung saan itinampok nila ang istorya tungkol kay Ethan noong Oktubre 20, 2024, sinagot ng binatilyo sa comment section ang netizens na panay ang urirat sa relasyon umano niya kay Alice. 

“I'm not related to Alice Guo,” paglilinaw ni Ethan.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na

Magmula kasi nang maibalita sa Pilipinas na may isang “Guo” raw na naglilibot sa buong mundo, ay tila hindi na naiwasan ng netizens na magtanong kung kamag-anak ito ni Alice Guo.

Hanggang ngayon ay mainit pa rin ang pangalan ni Alice sa bansa, dahil sa kinasasangkutang illegal Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Tila lalo namang kinagiliwan ng netizens ang pagsagot ni Ethan.

“For everyone's peace of mind”

“Thank you for the clarification”“The good one HAHA”

“Feel ko yung tawa mo.”

“That was funny!”

Si Ethan ang isa sa mga pinakabatang piloto sa buong mundo na kasalukuyang nililibot ang pitong kontinente para umano sa fundraising niya sa cancer research.

KAUGNAY NA BALITA: Isang binatilyong piloto, iniikot 7 kontinente; malilikom na $1M, para sa cancer research

Kate Garcia