January 05, 2025

Home BALITA National

LPA, naging bagyong Kristine na; Signal No. 1, itinaas sa 3 lugar sa PH

LPA, naging bagyong Kristine na; Signal No. 1, itinaas sa 3 lugar sa PH
Courtesy: PAGASA/FB

Nakapasok na ang binabantayang bagyo sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) nitong Lunes ng madaling araw, Oktubre 21, at pinangalanan ito ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na bagyong Kristine.

Ito ang pang-11 bagyo na sa bansa ngayong taon.

Sa tala ng PAGASA kaninang 5:00 ng umaga, huling namataan ang tropical depression Kristine 1,050 kilometro ang layo sa silangan ng Southeastern Luzon.

Taglay nito ang maximum sustained winds na aabot sa 55 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 70 kilometers per hour.

National

Pagtaas ng singil ng SSS, 'New Year's resolution na pahirap sa mga Pilipino'—Brosas

Kumikilos ang bagyo pa-west southwest sa bilis na 30 kilometers per hour.

Dahil dito, itinaas ang Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar:

LUZON: 

- Catanduanes

VISAYAS:

- Northeastern portion ng Northern Samar (Laoang, Palapag, Mapanas, Gamay, Catubig, Lapinig) 

- Northeastern portion ng Eastern Samar (Jipapad, Arteche, San Policarpo, Oras)

Ayon sa PAGASA, inaasahang lalakas ang bagyo at itataas sa “tropical storm” category sa susunod na 12 oras.

Patuloy pa rin itong lalakas at itataas sa "severe tropical storm" category sa Martes ng tanghali o gabi, Oktubre 22, at magiging typhoon category pagsapit ng Huwebes, Oktubre 24 bago ito mag-landfall sa northeastern portion ng Cagayan.