October 23, 2024

Home SHOWBIZ

Kris nagsasalita kahit tulog; may sakit na, designer bag pa rin iniisip

Kris nagsasalita kahit tulog; may sakit na, designer bag pa rin iniisip

Kahit na nagkuwento at nagdetalye ng medyo hindi magandang kondisyon ng kaniyang kalusugan ay hindi pa rin talaga mawawala kay Queen of All Media Kris Aquino ang kataklesan at kakikayan, matapos isingit sa kaniyang latest Instagram update ang kuwento sa kaniya ng jowang doktor na si Dr. Michael "Mike" Padlan.

Saad ni Kris, sa kabila raw ng pag-iinject sa kaniya ng anesthesia, naikuwento raw sa kaniya ni Doc Mike na habang tulog siya ay nagsasalita siyang mag-isa, at ang sinasabi raw niya, gusto niya ng brand new na pink Chanel bag.

"Dr. Mike and Nurse Elle couldn't help but laugh because i was mumbling 'i want a new pink Chanel bag.' Sabi nya, 'naka anesthesia ka pink Chanel pa rin ang nasa subconscious mo.' I confirmed his story with my nurse and she said: 'True po ma'am' Okay, guilty as charged, can't deny-that's so me."

Anyway, magandang balita rin ang inihatid ni Kris na cancer-free na rin siya matapos ang katakot-takot na tests na ginawa sa kaniya.

Bimby nagbiro kay Kris; di raw excited si P-Noy na maka-reunion siya sa langit

MAKI-BALITA: Kris, may bagong health updates; 'cancer free' pero may kinatatakutan pa rin

Isa pa, mukhang may niluluto siyang show na ila-launch daw bago matapos ang 2024.

MAKI-BALITA: Kris may nilulutong bagong show, magbabalik-TV na?

At higit sa lahat, mukhang sa kasalan na rin mapupunta ang kanilang relasyon ni Doc Mike.

MAKI-BALITA: Kris, ikakasal na nga ba talaga sa jowang doktor?