October 23, 2024

Home SHOWBIZ

Jinkee Pacquiao, di nagpakabog, ibinida rin Labubu collections

Jinkee Pacquiao, di nagpakabog, ibinida rin Labubu collections
Photo courtesy: Jinkee Pacquiao (IG)

Tila hindi rin nagpahuli ang asawa ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao sa mga personalidad na nahihilig din sa ‘Labubu.’

Sa kaniyang Instagram post noong Sabado, Oktubre 19, 2024, ibinahagi ni Jinkee ang kaniyang Labubu collections na nakahilera sa kanilang sofa.

Sa simpleng caption, inilagay ni Jinkee na animo’y si Pacman naman ang kaniyang naging photographer.

“ @mannypacquiao ” ani Jinkee sa naturang post.

Musika at Kanta

Parokya ni Edgar, stranded sa Sorsogon; hiniritan ng fans ng bagong kanta

Samantala, isa lamang si Jinkee sa mga personalidad na nakikipagsabayan din sa pangongolekta ng Labubu, kagaya nina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, fashion icon Heart Evangelista at It’s Showtime host na si Vice Ganda.

KAUGNAY NA BALITA: LABUBudol? Mga artistang nahumaling sa 'Labubu craze!'

Matatandaang sinasabing nagsimula raw ang Labubu craze matapos itong unang pausuhin ni Blackpink member Lisa na naunang i-flex ang kaniyang nasabing collections sa Instagram.

Kate Garcia