October 21, 2024

Home SHOWBIZ

Fan, literal na nagluksa sa pagkamatay ni Liam Payne; may sariling lamay?

Fan, literal na nagluksa sa pagkamatay ni Liam Payne; may sariling lamay?

"Seryoso ka ate?"

Viral ang isang larawan sa isang social media page na tila nagpapakita ng lamay ng namayapang "One Direction" member na si Liam Payne, at isang babaeng  nagdadalamhati sa pagpanaw nito.

Sa "VIRAL Trendz PH," makikitang may malaking larawan ni Liam Payne malapit sa isang napapalamutiang puting kabaong, at isang babaeng nakaitim naman ang nakaupo malapit dito.

Ayon sa ilang netizens, ang babae sa larawan ay masugid na tagahanga ni Liam at ng One Direction, at ito raw ang naisip niyang paraan para ipagluksa ang pagkamatay ng artist.

Kid Yambao, nagpa-quota sa isang faney

Umani naman ito ng reaksiyon at komento sa mga netizen, sa comment section ng page. Sey ng ilan, tila mas nauna pa raw si "Ate Girl" sa pamilya ng yumaong singer at "feeling wife" daw.

"kaano-ano ka ni liam te? labas ka na dyan yung nanay mo talo na sa bingo"

"seryoso ka ate??"

"May sopas ba diyan?"

"san yan madam? magsusugal lang ako palaguin ko lang pera ko habang kumakain ng mainit na sopas."

"Nauna kapa sa pamilya, te."

"Saan po 'yan puwede po mag-tong its at pusoy?"

Pagtatanggol naman ng ilang netizens, ang fans na kagaya raw ng babae sa larawan ang tanging makakaintindi lamang sa "pain" o dulot ng pagpanaw ng isang idolo, kaya nauunawaan nila kung totoo man ito. 

Huwag daw sanang i-invalidate ang pakiramdam ng isang tagahanga na magluksa sa paraang nais niya, lalo't hindi rin basta-basta makapupunta sa aktuwal na lamay sa ibang bansa. 

"Don't invalidate the feeling okay lang 'yan."

"Hayaan n'yo siya, siya naman gumastos niyan..."

"Its fine. Kahit nga ako sobra pa sa na heart broken."

"Kapag LGBTQ articles todo support at plug, pero kapag straight na white male ganito, hayaan nyu siya hindi naman kayo gumastos..."

"its fine kahit nga ako subra ako nalungkot"

"May pambili siya ng bulaklak at ataul"

Noong Oktubre 16 (Oktubre 17 dito sa Pilipinas), nang magulantang ang mundo ng showbiz at mga fans dahil sa biglaang pagpanaw ni Payne.

Ayon sa ulat ng international media outlets, natagpuang wala ng buhay ang katawan ng singer matapos umano itong mahulog mula sa ikatlong palapag ng hotel na kaniyang tinutuluyan sa Argentina.

MAKI-BALITA: Liam Payne, pumanaw na

MAKI-BALITA: Liam Payne, nasa ilalim umano ng impluwensya ng illegal drugs bago pumanaw?

Nagbigay na rin ng pahayag at mensahe ang malalapit sa buhay ni Payne, kabilang na ang kaniyang dating mga kagrupo sa banda, at ang huling nakasamang si Kate Cassidy, partner niya.

MAKI-BALITA: Kate Cassidy sa pagpanaw ni Liam Payne: ‘I will continue to love you for the rest of my life’

Bago pumanaw ang nakapag-post pa nga raw sa social media si Liam upang i-flex ang happy moment nila ni Kate.

MAKI-BALITA: Liam Payne, nakapag-post pa isang oras bago ang nakagugulat na pagpanaw

Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 4.2k laugh reactions at 1.6k shares ang nabanggit na post.