October 23, 2024

Home SHOWBIZ Events

Concert ni Zayn Malik, postponed dahil sa biglaang pagpanaw ni Liam Payne

Concert ni Zayn Malik, postponed dahil sa biglaang pagpanaw ni Liam Payne
Photo courtesy: Zayn Malik/Instagram

Inanunsyo ni dating One Direction member Zayn Malik ang postponement ng kaniyang Stairway to the Sky tour sa United States, matapos umano ang pagpanaw ng 1D co-member na si Liam Payne.

Sa isang Instagram story nitong Linggo, Oktubre 20, 2024 (petsa sa Pilipinas), inihayag ni Malik ang pansamantalang pagkaantala ng nabanggit na concert.

“Given the heartbreaking loss experienced this week, I've made the decision to postpone the US leg of the STAIRWAY TO THE SKY tour,” ani Zayn.

Nilinaw ng singer na ang naturang tour ay ililipat na sa Enero 2025, bagama’t wala pa siyang sinabing kabuuang detalye.

Events

JK Labajo, mapapaput*ng-ina sa darating na concert: 'Dapat sabayan ako ng crowd'

“The dates are being rescheduled for January and I'll post them as soon as it's all set in the next few days.”

Isinaad din ni Malik sa nasabing IG story na valid pa rin ang mga ticket na nauna nang nabili ng concertgoers para sa kaniyang US leg concert na nakatakda sanang magsimula sa darating na Oktubre 23, 2024.

“Your tickets will remain valid for the new dates. Love you all and thank you for your understanding.”

Matatandaang kamakailan lamang ay naglabas ng opisyal na pahayag si Malik at iba pang member ng One Direction tungkol sa naging pagpanaw ni Liam, kung saang inamin nilang “devastated” umano sila sa nangyari sa dating bandmate.

KAUGNAY NA BALITA: One Direction at members nito, naglabas ng pahayag; 'devastated' sa pagpanaw ni Liam

Pumanaw si Liam noong Huwebes, Oktubre 17, 2024 matapos mahulog sa ikatlong palapag ng isang hotel sa Argentina.

KAUGNAY NA BALITA: Liam Payne, pumanaw na

-Kate Garcia