December 23, 2024

Home SHOWBIZ

True ba? Sey ni Viy, 'Pag di ka nadiligan, para kang halamang lanta eh!'

True ba? Sey ni Viy, 'Pag di ka nadiligan, para kang halamang lanta eh!'
Photo courtesy: Screenshots from Viy Cortez (YouTube)

In fairness, number 5 trending pa rin sa YouTube as of October 19 ang collaboration vlog ng magkaibigang social media influencers na sina Viy Cortez at Zeinab Harake na inupload noong Oktubre 14.

Habang kumakain ng samgyupsal sa harapan ng camera ay nagkuwentuhan ang magkaibigan sa buhay-buhay nila, magmula sa mga dati nilang ganap, love life, at maging sa motherhood.

Isa nga sa mga pinag-usapan dito ay ang nasabi ni Zeinab na nasa "tamang pagmamahal" at "tamang dilig" na siya sa piling ng fiance na si Filipino-American basketball player Bobby Ray Parks, Jr.

Pinuri kasi ni Viy ang kakaibang glow ng ganda ni Zeinab. Dati na raw maganda ang kaibigan subalit mas lalo raw siyang gumanda ngayon.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

"Mas iba 'yong pagka-blooming niya ngayon, iba talaga kapag minamahal nang tama, naaalagaan nang tama," ani Viy.

"Yes," singit at pagsang-ayon naman ni Zeinab. "Yes, saka 'yong dilig na tama. Charing!"

Natawa si Zeinag at nag-apir sila ni Viy na masaya na rin sa mister na si Cong TV.

"'Pag 'di ka nadiligan para kang halaman na lanta eh," ani Viy. "Para kang bulaklak na nagbukas."

"Tama... mismo..." pagsang-ayon naman ni Zeinab.

At aliw rin ang tsikahan ng dalawa nang tanungin ni Viy kung ginagawa na raw ba niya kay Bobby Ray Parks, Jr. ang dating ayaw niyang gawin.

Pilyang sagot ni Zeinab, "Ginagawa ko na!"

Hindi naman tinukoy ng dalawa kung ano nga ba iyon, pero si Viy nga raw ang nagturo kay Zeina dahil lodi niya ito.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Tama ang ganda nga ni Zeinab ngayon, blooming at iba talaga ang glow. Sana all may dilig!"

"Grabe ang influence ng isang Ray Parks. Iba talaga when God became the foundation and the center of the relationship. Sya pa rin si Zeinab pero mas matured na. Nawala na yung sinasabi nila noon na very squammy, yung kahit anong yaman e wala pa ring class and yes, haba ng vlog ha pero ilang beses sinabihan ni Viy si Zeinab na "ang ganda mo" at iba talaga ang ginlow-up ni Z simula nung naging sila ni Ray. Can't wait to see her walking down the aisle after all the heartaches she been through. Wala bang part 2??"

"Zeinab is the proof of God's mercy and love. Kasi kahit anong kamalian pa ang nangyare sa buhay niya, bliness padin siya ni God ng isang Daddy Ray. Wala ng mas blessed pa sa taong biniyayaan ng partner na may Diyos."

"I watched it till the end. Hay so proud of you Zeb. I’ve been your follower since pandemic, I’ve witnessed your heart broken era and now, you’ve grown to a matured person. You deserve all the happiness life has to offer, belle!"

"Grabe yung growth ni Zeinab as a person. Alam mong nasa tamang tao na siya. Aware siya sa mga nagawa niyang mali sa past and changed for the better, kaya ngayon bliness siya ni God ng sobra. Deserve na deserve."

MAKI-BALITA: Zeinab, mas iba ang ganda ngayon dahil may 'dilig' na tama