October 20, 2024

Home SHOWBIZ Musika at Kanta

'ROSMAR' naglabas ng unang hit single; pinusuan ng fans!

'ROSMAR' naglabas ng unang hit single; pinusuan ng fans!
Photo courtesy: Rosé/Instagram

Na-last song syndrome na ba ang lahat?

Kinagiliwan ng fans ang tila unexpected collaboration nina Blackpink member Rosé at Fil-Am singer na si Bruno Mars, matapos nilang ilabas sa publiko ang single na “APT.”

Noong Biyernes, Oktubre 18. 2024 ay napakinggan na nga ng fans nina Rosé at Bruno Mars ang collab single nilang “APT,” o “apartment.” Hango raw ang nasabing kanta sa tradisyonal na drinking game sa Korea na “apartment game,” o “apateu.”

Sa opisyal music video ng nasabing kanta, makikita sina Rosé at Bruno na nilalaro ang naturang apartment game na tila may atake rin ng pagiging retro vibes.

Musika at Kanta

Simon Cowell binakbakan, sinisi sa pagpanaw ni Liam Payne

Ilang fans naman ng dalawang artist ang pumuso at nagbigay ng komento sa “APT.”

“This is a very cute song, and everyone should support artists exploring different styles.”

“My song of the year!!!”

“So freaking love this song. You and Rose chemistry is very very nice!”

“The song is very good I like it very muchhhhh”

“Very FUN and cool song and video!!!”

“I love ittt so muchh!! Such a fun song ily both!

Matatandaang nauna nang nagbigay ng pahiwatig ang dalawang singer matapos ang Instagram post ni Rosé noong Oktubre 17, 2024 kung saan ipinakita niya ang isang larawan kasama si Bruno Mars at sinabing tinuran niya umano siya ng isang Korean game.

“The night i taught bruno how to play a Korean drinking game,” saad ni Rosé sa caption.

Ang “APT” ang unang single ni Rosé matapos ang anunsyo niya ng solo album ngayong taon. Umabot na sa 28M views ang music video ng nasabing awitin.

Samantala, matatandaan namang naging matagumpay din ang nauna pang collaboration ni Bruno Mars kasama si Lady Gaga sa awiting “Die With A Smile” noong Agosto 16, 2024 at mayroon ng 128M views.

Kate Garcia