October 20, 2024

Home BALITA National

Pag-iisip ni VP Sara hindi tumutugma sa realidad, patutsada ni De Lima

Pag-iisip ni VP Sara hindi tumutugma sa realidad, patutsada ni De Lima
MULA SA KALIWA: Dating Senador Leila de Lima at Vice President Sara Duterte (file photo; Santi San Juan/MB)

Iginiit ni dating Senador Leila de Lima na hindi umano tumutugma ang pag-iisip ni Vice President Sara Duterte sa realidad matapos ang naging mga tirada nito sa ginanap na press conference nitong Biyernes, Oktubre 18.

Sa isang X post nitong Biyernes ng gabi, nag-react si De Lima sa pahayag ni Duterte tulad ng pagtatapon umano sa mga labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., pag-iisip na pupugutan niya ng ulo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at ang pagsasabing “fair” ang tatay niyang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

MAKI-BALITA: VP Sara, sinabihan si Sen. Imee na itatapon niya katawan ni Marcos Sr. sa West Philippine Sea

MAKI-BALITA: VP Sara, gustong pugutan ng ulo si PBBM dahil sa napahiyang estudyante

National

Akbayan kay VP Sara: ‘Ngayon na lang nagsalita sa WPS, ginamit pang patutsada sa kalaban!’

“I honestly believe that VP Sara is a bit unhinged to say such things as throwing the body of a man out to sea and imagining to chop off the President's head, while making out her father to be a fair person who did not cross anyone,” giit ni De Lima.

“Hindi talaga tumutugma ang pag-iisip niya sa realidad. Nakakabahala,” saad pa niya.

Matatandaang sa naturang press conference ay iginiit din ni Duterte na hindi umano marunong maging presidente si Marcos at may listahan pa raw siya ng limang “impeachable offenses nito.”

MAKI-BALITA: ‘1 out of 10 ang rating!’ PBBM, ‘di marunong maging presidente — VP Sara

MAKI-BALITA: VP Sara, may listahan daw ng ‘5 impeachable offenses’ ni PBBM

MAKI-BALITA: PBBM, matatalo raw sana ni ex-VP Leni kung ‘di dinala ni VP Sara mga Bisaya

Tumanggi naman ang Office of the President (OP) na magbigay ng komento hinggil sa naturang mga naging tirada ni Duterte kay Marcos.

Matatandaang naging magkakampi sina Marcos at Duterte noong 2022 national elections sa ilalim ng ticket ng UniTeam.