October 20, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Nakapunta na raw sa bahay: Alden, nagsalita na kung nililigawan si Kathryn!

Nakapunta na raw sa bahay: Alden, nagsalita na kung nililigawan si Kathryn!
Photo Courtesy: Screenshot from GMA Network (YT), Kathryn Bernardo (IG)

Nagbigay na ng tugon si Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa tanong kung nililigawan niya ang kaniyang “Hello, Love, Again” co-star na si Kathryn Bernardo.

Sa behind-the-talk ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes, Oktubre 18, sinabi ni Alden na malalim na raw ang ugnayang mayroon sa kanila ni Kathryn.

“‘Yong mayroon po kami ngayon ni Kath, Tito Boy, is…I should say really deep,” saad ni Alden.

Dagdag pa niya: “Since I got the chance to really know her now, ang dami ko pong nadi-discover sa kaniya. Our similarities and differences in how we view life na sobrang naa-appreciate ko po ‘yong mga na ino-open up niya sa akin.”

Relasyon at Hiwalayan

Alyssa Valdez sa love life: 'It should be inspiring!'

Maliban dito ay binanggit din ni Alden ang tungkol sa pagpapakilala ni Kathryn sa kaniya sa pamilya nito.

“Na-meet ko na rin po ‘yong family. [...] Nakakapunta po ako sa bahay nina Kath,” aniya.

“Gaano kadalas?” usisa ni Boy.

Sagot naman ni Alden: “‘Pag kaya po ng oras.”

Matatandaang kamakailan lang ay flinex ng mommy ni Kathryn na si Min Bernardo ang isang video kung saan kasama si Alden sa bonding moments ng pamilya nila.

MAKI-BALITA: 'May nanalo na!' Alden Richards, flinex ng ina ni Kathryn Bernardo