October 20, 2024

Home SHOWBIZ

Kate Cassidy sa pagpanaw ni Liam Payne: ‘I will continue to love you for the rest of my life’

Kate Cassidy sa pagpanaw ni Liam Payne: ‘I will continue to love you for the rest of my life’
Photo courtesy: AP File and Kate Cassidy/Instagram

Isang maikling mensahe ang inilabas ni Kate Cassidy, girlfriend ng yumaong dating One Direction member at British singer na si Liam Payne, para sa kaniyang boyfriend.

Sa kaniyang Instagram story nitong Sabado, Oktubre 19, 2024, nagpasalamat si Cassidy sa lahat umano ng positibong mensahe na kaniyang natanggap.

“Thank you for all of the kind words and love that has been sent my way,” ani Cassidy.

Inamin din niya na tila hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari sa kasintahan at humingi rin ng privacy habang nagluluksa. 

Tsika at Intriga

McCoy De Leon, may babaeng palihim na kinikita?

“I have been at a complete loss. Nothing about the past few days have felt real. I ask and pray that you'll give me the grace and space to navigate this in private,” saad ni Cassidy.

Matatandaang pumanaw si Liam noong Oktubre 17, 2024 matapos maiulat na nalaglag umano siya mula sa ikatlong palapag ng isang Hotel sa Argentina.

KAUGNAY NA BALITA: Liam Payne, pumanaw na

Nag-iwan din ng isang mensahe si Cassidy sa namayapang boyfriend na tinawag niyang “my angel.”

“Liam, my angel. You are everything. I want you to know I loved you unconditionally and completely. I will continue to love you for the rest of my life. I love you liam.”

Ayon sa ulat ng ilang international media outlets, si Liam ay dalawang linggo nang nasa Argentina matapos manood ng concert ng One Direction co-member na si Niall Horan. Naispatan din sa kaniyang mga naging social media posts na nakasama pa niya ang girlfriend na si Kate sa nasabing bakasyon.

KAUGNAY NA BALITA: Liam Payne, nakapag-post pa isang oras bago ang nakagugulat na pagpanaw

Ilang ulat din ang nagkumpirmang naunang umalis si Kate sa Argentina at naiwan si Liam mag-isa sa nasabing bakasyon. 

Itinuturo ding dahilan ang umano’y substance abuse ng singer sa dahilan ng kaniyang biglaang pagpanaw.

KAUGNAY NA BALITA: Liam Payne, nasa ilalim umano ng impluwensya ng illegal drugs bago pumanaw?

Kate Garcia