October 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Kampo ni Juday, nagbabala sa isang fan page account

Kampo ni Juday, nagbabala sa isang fan page account
Photo courtesy: Judy Ann Santos-Agoncillo Fans (FB)

Nilinaw ng kampo ni Judy Ann Santos-Agoncillo na hindi official team ni Juday ang nasa likod ng isang fan page na nakapangalan mismo sa kaniya.

Kaya anuman daw ang mga larawan, video, o post na makikita rito ay hindi raw lehitimong galing kay Juday.

Ang nabanggit na Facebook page, na may cover photo pa ng pamilya ni Juday, ay may 3.4M followers. 

Pero kahit na "fans" daw ni Juday ang may gawa nito, mukhang hindi ito aprub sa kampo ni Juday, kaya nagbigay sila ng babala sa publiko patungkol dito. 

Tsika at Intriga

Heart Evangelista, nagsalita na sa 'hidwaan' nila ni Pia Wurtzbach

"This is to inform the public that Judy Ann Santos-Agoncillo Fans is not the official account of Judy Ann Santos. Any posts made here are not from her or her management."

"Please report any suspicious accounts and follow our pages for real updates listed below. Thank you for your support," anila pa.

Reaksiyon naman dito ng isang tila faney ni Juday, "Fan po ako ni Juday. Pero wala naman ako nakikitang mali sa pangalan ng page unless nanghihingi sila ng pera. Pero kung hindi naman sana hayaan nalang instead of offending the admin of that page. Itong mga fan page na ito mas wider ang reach at mas madami ang follwers. Libreng promo for Juday para makilala pa sya ng younger generation. Sa totoo lang po mahina ang social media handler ni Juday. Mahina ang engagements sa mga pages. Sa X iilan lang kami ang nagha- wala pang sampu madalas. Mahina ang reach sa mga tao. I think, it’s time to get a better socmed handler especially nagbabalik pelikula si Juday. Hindi maganda tingnan ang post na ito, parang sinasabi bogus. Kung wala naman panglilinlang na ginagawa, this post is very uncalled for and unneccessary. Thank you."

Ngunit nag-reply naman dito ang isang Kapamilya-fan based page na "Kapamilya Kingdom."

"Ang problema, hindi naman nila pino-promote si Ms. Juday. Scroll mo mga posts nila, puro pa-trending lang din. Gumagamit din sila ng mga quote cards na may mukha ni Ms. Juday kahit hindi naman niya sinabi ang “statement” na ‘yon. Ang ending, mas nag-benefit pa sila by using Ms. Juday’s name."

Reaksiyon naman dito ng netizen, "agree. Di naman sila official pero purporting sila to be Juday."