October 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Diwata, naglinis sa Manila Bay; sigaw ng netizens, 'Linisin mo muna paresan mo!'

Diwata, naglinis sa Manila Bay; sigaw ng netizens, 'Linisin mo muna paresan mo!'
Photo courtesy: Screenshots from Hiwaga Pares Overload (FB)

Usap-usapan ang paglilinis ng social media personality, paresan owner, at 4th nominee ng Vendors party-list na si Deo Balbuena alyas "Diwata" matapos niyang ipakita ang paglilinis sa Manila Bay.

Makikita sa mga kumakalat na video na namumulot ng basura si Diwata sa dalampasigan ng Manila Bay, at ang ilang mga puwede pa raw pakinabangan, itinatabi niya para ibenta.

Pero na-back to you si Diwata ng mga netizen na tila "nagpapabango" lang daw ng pangalan dahil nga sa paparating na 2025 midterm elections.

Isa pa, sana raw ay linisin daw muna ni Diwata ang kaniyang paresan bago ang Manila Bay.

Tsika at Intriga

Heart Evangelista, nagsalita na sa 'hidwaan' nila ni Pia Wurtzbach

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens sa iba't ibang social media posts tungkol dito.

"Pero sa Paresan mo puro Disposable gamit nyo pati plastic gloves.. tigil nyo na yan."

"Ang tao talaga kht gaano kasama pag my kailangan bumabait hahaha eme."

"Matagal ng madumi yan ngayon mulang naisip maglinis dyan para maka kuha ng boto bukol lang makukuha mo samin."

"pang-karaniwan na yang ganyan gawain sa mga kumakandidato, kapag tapos na ang eleksyon wala na"

"Tama lang yan diwata maglinis ka kc kulang tayu ng janitor wagka nang tumakbo sa election mapapagod kalang masera kinabukasan mo mabuti pa magtinda knalang ng parez marami kapang mapabusog na tao."

Samantala, wala namang tugon, reaksiyon, o pahayag si Diwata hinggil sa mga okray na natanggap niya sa kaniyang ginawa.

MAKI-BALITA: Diwata, isa sa nominees ng Vendors Partylist: 'Boses para sa maninindang Pilipino!'