October 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Diwata, kuha inis ni Rendon sa paglilinis ng Manila Bay: 'Baka ikaw linisin namin!'

Diwata, kuha inis ni Rendon sa paglilinis ng Manila Bay: 'Baka ikaw linisin namin!'
Photo courtesy: Hiwaga Pares Overload (FB)/Rendon Labador (FB)

Isa sa mga nagbigay ng reaksiyon at komento sa kuhang video ng paglilinis ng social media personality at paresan owner na si Deo Balbuena o mas sikat sa alyas na "Diwata," ay ang social media influencer na si Rendon Labador.

Makikita sa mga kumakalat na video na namumulot ng basura si Diwata sa dalampasigan ng Manila Bay, at ang ilang mga puwede pa raw pakinabangan, itinatabi niya para ibenta.

Pero na-back to you si Diwata ng mga netizen na tila "nagpapabango" lang daw ng pangalan dahil nga sa paparating na 2025 midterm elections. Fourth nominee kasi ang social media personality ng "Vendor's party-list."

Isa pa, sana raw ay linisin daw muna ni Diwata ang kaniyang paresan bago ang Manila Bay.

Tsika at Intriga

Heart Evangelista, nagsalita na sa 'hidwaan' nila ni Pia Wurtzbach

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens sa iba't ibang social media posts tungkol dito.

"Pero sa Paresan mo puro Disposable gamit nyo pati plastic gloves.. tigil nyo na yan."

"Ang tao talaga kht gaano kasama pag my kailangan bumabait hahaha eme."

"Matagal ng madumi yan ngayon mulang naisip maglinis dyan para maka kuha ng boto bukol lang makukuha mo samin."

"pang-karaniwan na yang ganyan gawain sa mga kumakandidato, kapag tapos na ang eleksyon wala na"

"Tama lang yan diwata maglinis ka kc kulang tayu ng janitor wagka nang tumakbo sa election mapapagod kalang masera kinabukasan mo mabuti pa magtinda knalang ng parez marami kapang mapabusog na tao."

MAKI-BALITA: Diwata, naglinis sa Manila Bay; sigaw ng netizens, 'Linisin mo muna paresan mo!'

Isa nga sa mga social media influencer na sumita sa kaniya ay si Rendon, na nakapagtataka dahil kailan lang ay nagkaroon pa sila ng kolaborasyon ni Diwata sa paresan nito.

"Diwata umalis ka diyan baka ikaw ang linisin namin . Linisin mo muna yung Paresan mo bago ka makealam diyan. Pasensya na, kuhang kuha mo kasi yung inis ko," mababasa sa komento ni Rendon.

Sa isa pang Facebook post kung saan ni-reshare ni Rendon ang isang ulat patungkol dito, muli niyang iginiit ang reaksiyon niya sa paglilinis ni Diwata.

"KUHA MO INIS KO Bakit ko kasi nadaanan sa feed ko ito, Hindi pa ba umaatras? May balita ba kayo? Hindi na ako masyado updated paki comment nalang mga bro, nabusy kasi tayo sa Motivated Billiard League natin.."

Matatandaang inokray rin ni Rendon ang paghahain ni Diwata ng certificate of nomination and acceptance (CONA) ng kanilang party-list sa pagtakbo sa 2025 midterm elections.

MAKI-BALITA: Diwata, isa sa nominees ng Vendors Partylist: 'Boses para sa maninindang Pilipino!'

MAKI-BALITA: Rendon sa pagtakbo ni Diwata: 'Baka akala magluluto, magtitinda lang siya ng pares!'