October 21, 2024

Home SHOWBIZ

Binuking ni Direk Cathy: Alden at Kathryn, nahuling nagkakainan sa kuwarto!

Binuking ni Direk Cathy: Alden at Kathryn, nahuling nagkakainan sa kuwarto!
Photo Courtesy: ABS-CBN Star Cinema (YT)

Nakakaloka ang isiniwalat ni Direk Cathy Garcia-Sampana tungkol kina Asia’s Multimedia Star Alden Richards at Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo sa taping ng “Hello, Love, Again.”

Sa ginanap kasing press conference ng nasabing pelikula kamakailan, naitanong sa direktor kung ano ang pinakamalaking pagbabagong napansin niya sa chemistry nina Alden at Kathryn.

“Medyo humirap. Kasi sinabihan mo huwag mag-usap pagtingin ko nagkakainan ‘yong dalawa do’n sa kuwarto. Kainis!” natatawang saad ni Direk Cathy.

Tila pabulong namang sinaway ni Kathryn si Direk Cathy dahil sa ginamit nitong salita na posibleng mabahiran ng malisya.

Kid Yambao, nagpa-quota sa isang faney

“Ay, ang pangit ‘pag ‘nagkakainan,’” bawi agad ng direktor. “Sorry, sorry!”

“Erase,” dugtong pa niya. “Hoy! Ako kasi ang linis ng isip ko. Kayo ang ano n’yo!”

Paglilinaw naman ni Alden: ‘Dinner break ‘yon, dinner break.”

Ayon kay Direk Cathy, mabigat daw kasi ang eksenang iso-shoot nang oras na ‘yon. Seven-hour emotional scene. Kaya naman ang instruction niya, huwag kakausapin si Alden.

“Tapos si Kath naman, in fairness hindi naman niya kinakausap. Except no’ng break. Nasa sahig. Kumakain ‘ata sila ng [lechong kawali]. Tapos iniisip ko, magagalit ba ako?” lahad ng direktor.

“Sige, regalo ko na lang sa dalawa. Kasi pitong oras na nga silang puro sobrang makabagbag damdamin talaga ‘yong eksena. Tinalikuran ko na nga, hindi ko na pinagalitan,” wika niya.

Dagdag pa ni Direk Cathy: “Anyway, if there’s one thing talaga that change—well, along with the story rin naman, siyempre nakagawa na kami ng isang buong pelikula—pero dito sa part 2, the trust was there. It was very evident.”

Samantala, sa isang bahagi ng prescon, naibahagi nina Alden at Kathryn na pareho silang nagkakasundo sa pagkain.

“If there something na nagkakasundo kami, it’s always food,” kuwento ni Alden.

Segunda naman ni Kathryn: “Basta may pagkain nando’n kami sa pantry.”

Tila lumalalim na nga talaga ang samahan ng dalawa. Kaya naman sa isang panayam kay Alden ay naitanong sa kaniya kung nililigawan na ba niya ang kaniyang co-star.

MAKI-BALITA: Nakapunta na raw sa bahay: Alden, nagsalita na kung nililigawan si Kathryn!