October 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

AJ Raval, nakatikim ng sermon sa netizen: 'Officially kabit ka pa rin!'

AJ Raval, nakatikim ng sermon sa netizen: 'Officially kabit ka pa rin!'
Photo courtesy: AJ Raval (IG)

Nag-react ang aktres na si AJ Raval sa isang netizen na nagkomento sa larawan nila ng boyfriend na si Aljur Abrenica.

Isang netizen kasi ang tila nagbigay ng "lecture" sa kaniya patungkol sa pag-flex niya kay Aljur, na estranged husband ng Kapuso actress na si Kylie Padilla.

Mababasa sa komento ng netizen, hindi raw dapat ibinabalandra nina AJ at Aljur ang kanilang relasyon dahil legally raw ay kasal pa ang jowa kay Kylie. Sana raw ay huwag na raw munang ipangalandakan ang pagiging "imoral."

"Psst kasal pa legal yang nilalandi mo. Separated lang sa asawa pero kasal pa din. so officially kabit ka pa din. Naku like mother like daughter talaga. Sana kahit immoral kayo wag sana lantaran sa socmed. Hintayin nyo muna mag divorce legally bago lumantad," saad ng netizen.

Tsika at Intriga

Heart Evangelista, nagsalita na sa 'hidwaan' nila ni Pia Wurtzbach

Nabanggit naman ng netizen na si Kylie ay may ibang karelasyon na rin subalit hindi naman ito inilalantad ng aktres sa social media.

"Ung wife ni Aljur, meron din daw kabit pero Hindi pinapakita sa soc med. very seldom. Wag sana normalize mga ganito porket separated yung guy considered na single kahit kasal pa. Sacred ang kasal, bago lumandi mag divorce muna or annul."

Hindi naman ito pinalagpas ni AJ, "Sorry, dapat itago muna din namin. Tama ka naman. May natutunan ako sayo."

Photo courtesy: Screenshot from AJ Raval (IG)

Ilang netizens naman ang pumanig sa netizen pero mayroon din namang nagtanggol kay AJ.

"sorry Aj pero ganda at bata ka pa sana pumatol ka lang sa laos na at pamilyado pa .Napikot ka kasi bata ka pa eh. You deserve better, wag mo sana seryosohin ng sobra pa at jowa ka lang hindi ka pa kayang panindigan"

"So ung pg lantad ni Kylie ok lng si aljur ndi.. Asikasuhin mo muna buhay mo bago ang buhay ng iba"

"Hindi ako kabit pero ito masasabi ko HAHAHAHHAA ikaw na babae ka instead na buhay mo asikasuhin mo nakikisawsaw ka sa buhay ng ibang tao! At ano bang paki alam mo? Okay namn na si Kylie kung pambabash lang ang ginagawa mo pwes andaming tulay jan na pwede mong pagtalunan"

"Nararamdaman kita nong interview ka ni sir Julius mabuti Kang tao aj may mabuti Kang puso kaya deserve moyan be grateful always beautiful."

Matatandaang sa isang vlog ng broadcast-journalist na si Julius Babao, nagbukas ng kaniyang puso si AJ patungkol sa mga pagsubok na kinaharap niya at relasyon nila ni Aljur. 

MAKI-BALITA: AJ sa love child daw nila ni Aljur: 'Parang yearly na lang ako buntis!'