October 18, 2024

Home BALITA Probinsya

Nurse, patay matapos pagsasaksakin ng gunting ng isang pasyente

Nurse, patay matapos pagsasaksakin ng gunting ng isang pasyente
Photo courtesy: MyTV Cebu and pexels

Namatay ang isang nurse na 51-anyos sa Tagbilaran, Bohol matapos umanong pagsasaksakin ng isang pasyente. 

Ayon sa ulat ng GMA News noong Huwebes, Oktubre 17, 2024, lumalabas umano sa imbestigasyon na “maling pagtrato” raw ng biktima sa suspek ang naging motibo niya upang isagawa ang krimen.

Palabas na raw ng ospital ang pasyenteng suspek nang makakita siya ng gunting at biglang inundayan ng saksak ang nurse. Isang empleyado rin umano ng ospital ang kumpirmadong sugatan matapos niyang subukang umawat at pumagitan sa nag-aamok na suspek.

Samantala, naglabas na rin pahayag ang Bohol Doctors Hospital kung saan nangyari ang krimen.

Probinsya

Dalawang tao sa Cagayan, hinihinalang may human anthrax dahil sa karne ng kalabaw

Sa pamamagitan ng isang Facebook post noong Huwebes, Oktubre 17, inihayag ng nasabing ospital ang kanilang pakikiramay sa pamilya at mga kaibigan ng biktima.

“We extend our heartfelt condolences to her family, friends, and colleagues at BoholDoc as we navigate this challenging time together,” anang ospital.

Sinabi rin nito na nakikipag-ugnayan umano sila sa mga awtoridad upang mapabilis ang imbestigasyon."We work closely with law enforcement and relevant authorities to ensure a comprehensive review,” dagdag nito.

Samantala, naaresto na umano ang suspek na nahaharap sa kasong murder at physical injury.

Kate Garcia