October 19, 2024

Home SHOWBIZ Events

Darren Espanto, naospital matapos itodo training sa 'Magpasikat 2024'

Darren Espanto, naospital matapos itodo training sa 'Magpasikat 2024'
Photo Courtesy: Darren Espanto (IG)

Tila napagod nang sobra si Kapamilya actor-singer Darren Espanto dahil sa dikdikang training para sa 15th anniversary ng “It’s Showtime.”

Sa Instagram story ni Darren nitong Huwebes, Oktubre 17, ibinahagi niya ang kaniyang larawan kung saan makikitang nasa loob siya ng isang ospital.

“Tinodo masyado sa training for ‘Magpasikat 2024,’” saad ni Darren sa text caption.

Samantala, sa kaniya namang X post sa pareho ring araw, pinakalma niya ang kaniyang fans nang sabihin niyang okay naman daw siya bagama’t humihingi pa rin daw siya ng panalangin.

Events

Juan Karlos, inaalay ang tagumpay sa kaniyang lola

Aniya, “Waiting for my x-ray results! Ok naman po ako. Please continue to pray for all the hosts and the people behind ‘It’S Showtime!’” 

“We’re doing our best for y’all! Ilaban natin ‘to!” dugtong pa niya.

Nakatakdang mangyari ang “Magpasikat 2024” sa darating na Lunes, Oktubre 21.

Matatandaang noong Agosto ay naospital na rin si Darren dahil sa pananakit umano bigla ng kaniyang tiyan pagkagaling niya sa Los Angeles, California.

MAKI-BALITA: Darren Espanto, sumailalim sa appendectomy