December 22, 2024

Home SHOWBIZ

Cristy, 'umaray ang bulsa' sa bail matapos matalo sa kasong cyberlibel: 'Inflation is real!'

Cristy, 'umaray ang bulsa' sa bail matapos matalo sa kasong cyberlibel: 'Inflation is real!'
Photo Courtesy: Screenshot from One PH (YT)

Tila umaray ang bulsa ng batikang showbiz columnist na si Cristy Fermin sa presyo ng ipinataw na bail sa kaniya matapos matalo sa kasong cyberlibel na isinampa sa kaniya ng mag-asawang sina Atty. Kiko Pangilinan at Megastar Sharon Cuneta.

Sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Huwebes, Oktubre 17, nagbigay siya ng paalala sa mga kagaya niyang may kapareho ring kaso.

“Inflation is real. Kasi hindi na po mga bilihin lamang ang tumataas ngayon. Ilang taon na po ang nakararaan nang matalo po ako sa piskalya ay nag-bail lang po ako ng ₱10,000 para sa isang kaso ng libel,” saad ni Cristy.

Dagdag pa niya: “Ngayon po, ₱48,000 na po per count ang bail. Kaya ang taas-taas na po. Sa mga may kaso diyan ng libel, paghandaan na po natin ito.”

Relasyon at Hiwalayan

Julia sa pagmamahal ni Marjorie kay Gerald: 'I really appreciate it!

Sa isang bahagi ng programa ay inihayag ni Cristy na nalungkot umano siya sa resulta ng laban. Ngunit sinabi rin niya na hindi raw siya uurong sapagkat iaakyat pa naman daw ito sa regional trial court ng Makati City.

“Hindi lang naman ngayon ang laban. Ito po ay sa piskalya pa lamang. [...] Unang hakbang pa lamang po ito sa piskalya. Aakyat po ito ngayon sa RTC Makati,” aniya.

MAKI-BALITA:  Cristy natalo sa five counts libel nina Kiko, Sharon; 'di uurong sa laban

Matatandaang bukod kay Sharon at Kiko ay nagsampa rin ng kaso ang ina ni Sarah Lahbati laban sa showbiz columnist. Ngunit ayon sa kaniya, naipanalo umano nila ang labang ito sa piskalya.

MAKI-BALITA: Alamin: Celebrities na nagsampa ng kaso kay Cristy Fermin ngayong 2024