December 22, 2024

Home SHOWBIZ

Cristy natalo sa five counts libel nina Kiko, Sharon; 'di uurong sa laban

Cristy natalo sa five counts libel nina Kiko, Sharon; 'di uurong sa laban
Photo Courtesy: Screenshot from One PH (YT), MJ Felipe

Inanunsiyo ng batikang showbiz columnist na si Cristy Fermin ang pagkatalo niya sa cyber libel case na isinampa laban sa kaniya ng mag-asawang sina Atty. Kiko Pangilinan at Megastar Sharon Cuneta.

Sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Huwebes, Oktubre 17, sinabi ni Cristy na nalungkot daw siya sa naging resulta ng kanilang laban.

“Talo po ako sa five counts ng libel. [...] Kanina ko po natanggap ito, na siyempre ako po ay emosyunal at nalungkot. Siyempre wala naman pong pagkabigo sa laban na masaya,” saad ni Cristy.

Gayunman, sinabi ni Cristy na itutuloy umano niya ang laban sapagkat iaakyat pa naman daw ito sa regional trial court ng Makati City.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Hindi lang naman ngayon ang laban. Ito po ay sa piskalya pa lamang. [...] Unang hakbang pa lamang po ito sa piskalya. Aakyat po ito ngayon sa RTC Makati,” aniya.

Dagdag pa niya: “Basta ito lamang po ang mahalaga. Hindi ito ang katapusan ng mundo. Ang laban po e hindi natin uurungan.”

Matatandaang bukod kay Sharon at Kiko ay nagsampa rin ng kaso ang ina ni Sarah Lahbati laban sa showbiz columnist. Ngunit ayon sa kaniya, naipanalo umano nila ang labang ito sa piskalya.

MAKI-BALITA: Alamin: Celebrities na nagsampa ng kaso kay Cristy Fermin ngayong 2024