October 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Abangan n'yo!' Vice Ganda, humirit sa intrigang buntis si Jackie kay Ion

'Abangan n'yo!' Vice Ganda, humirit sa intrigang buntis si Jackie kay Ion
Photo Courtesy: Screenshots from ABS-CBN News (YT)

Nagbigay din ng reaksiyon si Unkabogable Star Vice Ganda sa lumutang na intriga na buntis umano ang “It’s Showtime” co-host niyang si Jackie Gonzaga at ang jowa niyang si Ion Perez ang ama.

Sa ginanap kasing press conference kamakailan para sa 15th anniversary ng nasabing noontime show, ibinahagi ni Jackie kung paano siya binago ng “Showtime” mula nang mapabilang siya rito.

“Siyempre bukod sa character development saka ‘yong nakikilala ka ng mga tao, talagang may ambag din talaga ‘yong ‘Showtime.’ Kasi dito kailangan, presentable ka. [...] Kaya talagang dito mangyayari ang glow up,” saad ni Jackie.

“Kaya araw-araw siyang naka-croptop,” hirit ng co-host niyang si Darren Espanto. 

Tsika at Intriga

Heart Evangelista, nagsalita na sa 'hidwaan' nila ni Pia Wurtzbach

Sinang-ayunan naman ito ni Jackie: “Yes, oo. Sayang naman ang pagda-diet ko kung hindi niyo makikita baka ano pang i-issue niyo. Charot!”

“Abangan n’yo raw after 9 months,” segunda ni Vice Ganda na lalo pang ikinatawa ng lahat.

Matatandaang bago pa man ito ay nauna nang nagsalita si Jackie sa pamamagitan ng TikTok livestream para pabulaanan ang tungkol sa tsikang ito.

MAKI-BALITA: 'Ate Girl' Jackie Gonzaga, naloka; buntis daw, si Ion Perez ang ama?