October 18, 2024

Home BALITA National

‘1 out of 10 ang rating!’ PBBM, ‘di marunong maging presidente — VP Sara

‘1 out of 10 ang rating!’ PBBM, ‘di marunong maging presidente — VP Sara
VP Sara Duterte at Pres. Bongbong Marcos (Santi San Juan/MB; Facebook)

Iginiit ni Vice President Sara Duterte na “1 out of 10” ang rating niya kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil hindi umano ito marunong maging presidente ng bansa.

Sa isang press conference nitong Biyernes, Oktubre 18, sinabi ni Duterte na may mga naninisi umano sa kaniya dahil hindi siya tumakbo bilang pangulo ng bansa, kaya naman si Marcos daw ang naluklok sa puwesto.

“Kasalanan ko bang we are on this road to hell? Kasalanan ko ba na hindi marunong maging Presidente ang nakaupo? Kasalanan ko ba ‘yun? Hindi,” giit ni Duterte.

“Sinasabi ng mga tao, ‘Kasalanan mo, kasi hindi ka tumakbo. Ikaw sana ang presidente at hindi siya.’ I said, maaga akong nagsabi na hindi ako tatakbo for president.”

National

Ex-VP Leni sa pagsalubong niya kay PBBM: ‘Isang pagbibigay-respeto sa posisyon’

"Rank 10 is the highest, 1 ang rating ko sa kaniya,” saad pa ng bise presidente.

Sa naturang press conference ay isiniwalat din ni Duterte na pinakiusapan siya ni Senador Imee Marcos na tumakbong bise presidente noong 2022 bilang kakampi ni Pangulong Marcos dahil matatalo raw ito kay dating Vice President Leni Robredo kung hindi niya dinala ang mga Bisaya.

MAKI-BALITA: PBBM, matatalo raw sana ni ex-VP Leni kung ‘di dinala ni VP Sara mga Bisaya

Matatandaang naging magkakampi sina Pangulong Bongbong at VP Sara noong 2022 national elections sa ilalim ng ticket ng UniTeam.