October 18, 2024

Home SHOWBIZ

Matapos ang biglaang pagpanaw: fans ni Liam Payne, bumuhos pagluluksa

Matapos ang biglaang pagpanaw: fans ni Liam Payne, bumuhos pagluluksa
Photo courtesy: Associated Press (AP) file photo and screenshot from YouTube

Ika nga sa sikat na awitin noon ng One Direction na Moments, “If we could only have this life for one more day, if we could only turn back time.”

Ito ang tila lirikong dumadamay ngayon sa lahat ng fans ng British singer at dating One Direction member na si Liam Payne, matapos ang biglaang pagpanaw niya nitong Huwebes, Oktubre 17, 2024.

Ayon sa ulat ng international media outlets, natagpuang wala ng buhay ang katawan ng singer matapos umano itong mahulog mula sa ikatlong palapag ng hotel na kaniyang tinutuluyan sa Argentina.

KAUGNAY NA BALITA: Liam Payne, pumanaw na

Tsika at Intriga

Ken Chan panalo sa Gawad Pasado pero may kinahaharap na kaso?

Mabilis na bumuhos ang pakikiramay at pagluluksa sa balitang gumimbal sa fans ni Liam at ng One Direction, sa buong mundo.

Sa social media, agad ding nagtrending ang balita tungkol kay Liam at ilang fans ang nagpaabot ng mensahe sa singer.

“Rest in peace Liam Payne. You will be forever loved, always missed and never forgotten.”

“So upsetting to hear the news of @LiamPayne passing Sending love and condolences to his family & loved ones. RIP my friend.”

“People are not mourning the man Liam Payne became, they are mourning the man he used to be and the man they grew up with. the man that was part of something that shaped millions of peoples lives.”

“My One Direction heart is much more broken than hearing the disbandment.”

“I named my son after Liam Payne... he always meant so much to me growing up. rest easy liam you'll always be in our hearts.”

“RIP Liam, who is literally part of my teenage years.”

Dumagsa rin ang ilang taga-suporta ni Liam sa harapan ng CasaSur Palermo Hotel, ang hotel kung saan umano nahulog si Liam mula sa ikatlong palapag nito. Ayon sa ulat ng ilang international media outlets, nagsindi at nagtirik ng mga kandila ang nasabing fans ng singer sa harapan ng nasabing hotel.

Samantala, hanggang ngayon ay tahimik pa rin ang kapuwa dating miyembro ni Liam sa One Direction na sina Zayn Malik, Harry Styles, Louis Tomlinson at Niall Horan.

Kate Garcia