October 18, 2024

Home SHOWBIZ

Liam Payne, nasa ilalim umano ng impluwensya ng illegal drugs bago pumanaw?

Liam Payne, nasa ilalim umano ng impluwensya ng illegal drugs bago pumanaw?
(photo courtesy: AP file photo, Pexels)

Tila nasa ilalim 'di umano ng impluwensya ng "illegal drugs o ng alcohol" ang British singer at dating 'One Direction' member na si Liam Payne bago umano ito pumanaw.

Nito lamang Oktubre 16 (Oktubre 17 dito sa Pilipinas), nang magulantang ang mundo ng showbiz at mga fans dahil sa biglaang pagpanaw ni Payne.

Ayon sa ulat ng international media outlets, natagpuang wala ng buhay ang katawan ng singer matapos umano itong mahulog mula sa ikatlong palapag ng hotel na kaniyang tinutuluyan sa Argentina.

KAUGNAY NA BALITA: Liam Payne, pumanaw na

Tsika at Intriga

Ken Chan panalo sa Gawad Pasado pero may kinahaharap na kaso?

Sa ulat ng Associated Press (AP) sinabi ni Pablo Policicchio, the communications director ng Buenos Aires Security Ministry, na "tumalon si Payne sa balcony ng kaniyang kwarto." 

Sumugod daw ang mga pulis sa hotel bilang tugon sa isang emergency call, aniya, may babala raw tungkol sa "aggressive man who could be under the influence of drugs or alcohol.”

Bukod dito, nakakuha umano ang AP ng kopya ng 911 call ng hotel manager na nagsasabing "a guest who overwhelmed with drugs and alcohol... He’s destroying the entire room and, well, we need you to send someone, please.”

Naging mas balisa raw ang boses ng manager habang nagpapatuloy ang tawag, at sinabi ring may balkonahe ang kwarto.

Sa ibang ulat nang dumating umano ang pulisya, sinabi sa kanila na isang malakas na tunog ang narinig sa loob ng courtyard ng hotel, kung saan natagpuan umano ang bangkay ni Payne.

Gayunman, iniimbestigahan na rin ng pulisya ang pagkamatay ni Payne at magsasagawa umano ng autopsy.

Kaugnay na Balita: Matapos ang biglaang pagpanaw: fans ni Liam Payne, bumuhos pagluluksa